Isang lalaki ang nagbebenta ng talangka. Sa tatlong magkakahiwalay na sisidlan nakalagay ang American, German at Filipino crabs. May takip ang dalawa samantalang nakabukas ang isa. Napansin ito ng isang mamimili at saka nag tanong. “Bakit po walang takip ang isang lalagyan? baka makawala ang nga talangka!”. “Ah hindi,” sagot ng tindero, Filipino crabs kasi yan. Kapag nakita ng isa na may paakyat, siguradong may hahatak sa kanya pababa”.
Hmm. Crab mentality. Marami daw sa mga Pinoy ang ganyan. Hindi nagiging masaya sa tagumapy ng kapwa kaya’t nanghihila pababa. Ako man ay nakaranas nito. Pero nararapat nga bang ikainggit ng tao ang mga pagpapalang tinatanggap ng iba? Ayon sa isang article na nabasa ko, mas makabubuting pangang ikatuwa natin ang tagumpay ng iba sa halip na ikainggit ito. Bakit kaya? Ang positive vibrations ng taong masaya ay nasasagap natin at naa-attract sa atin ang good vibes. Ito ang maghahatid sa atin ng sigla. Sa madaling salita, tayo man ay makatatanggap ng biyaya.
Do not get envy of others success. Be just as enthusiastic about the success of others, as you are about your own success. Envy is the root of all evils. It burns you from within. ~author unknown
Wherever there is jealousy and rivalry, there is disorder and every kind of evil. ~James 3:16
I like this post. Heheh. Napakalungkot isipin na marami sating kababayan ganyan ang pag-iisip. Kaya hindi umuunlad ung ating bansa kasi hindi nagkakaisa ang mga pilipino. :/
ReplyDeleteYes, that is true Ruby. Yan ang kaibahan natin sa ibang bansa. Sila nagtutulungan pero karamihan sa mga Pinoy nagpapagalingan. Tsk tsk. Anyway, thanks for the visit!
ReplyDeleteRight !
ReplyDelete