Pinoy, Kakaiba Talaga!

Ngayon lang uli ako nakapag-update sa blog na ito. Naging busy sa Bubblews. Nais ko rin kasing kumita sa pagsusulat o sa pagpopost ng graphic arts. Yun nga lang sa loob na mahigit isang buwan ay naging 'up and down' ang experience ko sa site na iyon. ‘UP’, dahil masaya at kumikita legitimately online. ‘DOWN’ dahil sa pagdagsa ng mga pinoy users sa site ay naging ‘pasaway’ ang marami kaya’t nabansagan tuloy na ‘spammers’ ang mga Pinoy. Mula sa chat group ay nababasa ko ang mga  ‘accusations’ mula sa iba na kung tutuusin ay tama din (inuulit ko, may point talaga sila) subalit hindi dapat na i-generalize. Marahil hindi lang talaga naka-specify nuong una ang mga 'do’s and don’ts' sa site kaya’t naging ‘excited’ ang mga Pinoy. Ginawa  nilang parang facebook iyon. Dumating din sa point na gusto na nilang ipa-ban ang lahat ng Philippine users. Pero dahil na rin siguro sa ‘kakaibang’ traffic na nilikha ng mga Pinoy ay hindi nila ito nagawa. (Di pa ako sigurado sa mga posibleng mangyari). Ang masasabi ko lang ay ‘amazing talaga ang mga pinoys!’. Kapag nagkasama-sama ay malakas ang pwersa. Kahit siguro sa internet ay kayang mag-People Power. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang ‘generalizations’ na ibinansag ng ibang international users. (again, hindi lahat sila dahil marami din namang dumedepensa) Anyway, I’ve decided to make lesser posts sa site na iyon  at magkaroon na muna ng time para sa iba pang mga bagay. Let me end with this quote plus a cartoon work.


“All generalizations are false, including this one.” ~Mark Twain 


pointing fingers pinoy



7 comments:

  1. Waah, matagal tagal na din akong hindi nakakapag open ng Bubblews account ko.

    Aww... sadya siguro talagang pasaway ang ibang mga kababayan natin lols. hindi marunong sumunod sa mga rules and regulations.

    grab your award at my blog :)

    ReplyDelete
  2. Yes, siguro nga hehe..anyway, anong award kaya yan? sige visit ko blog mo

    ReplyDelete
  3. okay ung cartoon works sa baba... tama nga naman... mas maraming daliri ang nakaturo sa kanya...

    About naman sa bubblelews no comment ako hehehe di pa kasi ako napapadpad dun ... nasilip ko lang minsan....

    Keep on posting!

    ReplyDelete
  4. Onga,nagbakasyon muna ako sa bubblews..anyway, dami naman akong pinoy connections duon. we can work it out!

    ReplyDelete
  5. Iba talaga ang mga pinoy kahit saan mang bansa. Pagnagsama sama yan walang makakatalo. Ang ganda dito sa blog mo nato. Sana ay magpost kapa ng marami :)

    ReplyDelete
  6. Sana nga hehe, mas masarap talaga magpost sa sariling wika!

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...