Isang kwento na may magandang aral ang nabasa ko. Ito ay ukol sa mga tupa. Kagaya ng ibang hayop, ang mga tupa ay mahilig magliwaliw at magpunta sa mga lugar na may sariwang pagkain. Minsan, ang isang tupa ay napadpad sa tabi ng bangin. Hinanap siya ng kanyang pastol, at nakita siyang nasabit sa mga kahoy sa may gilid ng bangin.
Pinuntahan siya ng pastol subalit hindi kaagad lumapit. Alam niya na sa kanyang paglapit, ang tupa'y manlalaban pa. Posible na ito pa ang maging dahilan ng pagkahulog sa bangin. Kaya’t naghintay ang pastol na mawalan ito ng lakas upang sa kanyang paglapit ay maamo na ito. Sinagip siya ng kanyang amo, niyakap at saka sinabing ‘Huwag kang magpakalayo sa akin!’
Gayundin ang pamamaraan ng Diyos sa atin. Minsan, lumalayo tayo sa Kanya at dumaranas ng matitinding pagsubok. Pero kagaya ng tupa, naghihintay lamang Siya na tayo ay magpakababa para sa Kanyang paglapit ay kikilalanin natin Siya. Sapagkat wala tayong mararating at walang magagawa kung tayo’y mahihiwalay sa Kanya.
Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing. ~John 15:5
No comments:
Post a Comment
Your comments are highly appreciated. Thank you!