Papalapit na Okasyon

ready for christmas tagalog cartoon

Papalapit na!  Kagabi’y  sinalubong ako ng isang 6-taong gulang  na pamangkin ko at excited na nagkwento na sa darating na Pasko ay pabibili siya ng maraming toys. (Nagpaparinig ba siya???). Kaninang umaga naman ay isang Christmas carol ang narinig ko sa radyo. Ahh, Andami nang nagpaparamdam! I mean, marami ng warnings! Hehe.. Kung pwede lang sabihin sa panahon na “Teka, hinay-hinay lang muna, wala pa akong savings!” Dahil sa totoo lang, malaki ang impluwensya ng komersyalismo sa okasyong ito. Bakit nga ba masyadong naging magastos ang celebration ng holiday season? Sabagay nasa tao din yan. Nasa desisyon  ng bawat isa kung gagawin nyang simple o magarbo ito. Ang Pasko ay paggunita sa kapanganakan ni Hesus. Ito ay  nasa ‘puso’ at wala sa ‘bulsa’.  At gaya ng lahat, ang panahon ay lumilipas gayundin ang saya, lungkot o anupamang bagay. Anyway, share ko din ang isang magandang mensaheng ito.

Invite Him in this Christmas,
This Savior from Above;
The gift He seeks you need not wrap –
He only wants your love. ~Berg 

4 comments:

  1. get ready na, nagpaparamdam na si pamangkin, hihi.
    tama ka, ang pasko ay wala sa bulsa kundi nasa ating puso't diwa. hihi...

    nang mapadpad ako sa isang grocery, naramdaman ko ang diwa ng pasko sa christmas songs.. (as in)

    advance Merry Christmas. hihihi (nagpaparamdam)

    ReplyDelete
  2. Yes, Jessica, marami na ngang nagpaparamdam.. pero mauuna munang magparamdam ang mga kaluluwa : )

    ReplyDelete
  3. Ninong Ric!!! regalo ko ha :D

    Magarbo at sobrang busy natin tuwing Pasko. Kaya sana wag nating kalimutan pasalamat at ilagay sa center stage si Lord sa araw ng Kapaskuhan :)

    Advanced merry christmas!!!

    ReplyDelete
  4. Ninong ah! ..pipili ba sa mga inaanak ko? hehe
    Yes, Si Lord Jesus naman ang may birthday kaya simple celebration ok na... Merry Christmas din!

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...