Sagot sa Prayers


Response to our prayers tagalog


Yes, No, Wait ~ Yan ang response sa prayers natin tulad ng nasabi ko sa naunang post.  Yan din ang naging sagot sa aking prayers noon.

Dalawang oras din ang byahe  ko papunta sa'king trabaho. Nakakapagod. Pero higit na ikinapapagod ko ay ang pagiging ‘iritable’ ng boss ko. Palaging mainit ang ulo at sinisigawan ang  mga staff sa kaunting pagkakamali. Nag-resign ako.  Nagpasyang maghanap ng trabaho sa lugar na malapit sa amin. Matagal akong nabakante at mas nakaka-depress pala ang maging tambay. Araw-araw ay ipinagdarasal ko na may makuhang trabaho. Isang araw, answered prayer ako.  For job interview sa isang company na malapit sa amin! Pasado ako sa naging interview at exam. Pinabalik ako ng Vice President para sa final interview. Excited ako! Pero isang tanong ang nagpabago ng mood  ko nung araw na yon. Tanong niya: “Willing ka bang mag-undergo ng training at mapa-assign sa Davao?”  ”Ha?, Anak ng Tipaklong! Nag-resign ako sa Manila para mapalapit sa amin at pagkatapos  ay ganyan ang maririnig ko?”  Ooops.. naisip ko lang iyon…Pero ang isinagot ko  ay  “Sir, pag-iisipan ko po.” Ang sabi nya’y tumawag ka agad  after 2 to 3 days.

Malungkot ako nang lumabas sa kanyang kwarto. Nag-iisip. Pagkatapos ay nakita ko ang dating kaklase nung High school na duon pala nagta-trabaho. Kumustahan. Ang sabi niya’y maganda naman ang pasweldo at benefits sa company. Kwentuhan pa ng kaunti at nagpaalam na din ako agad.

Pinag-pray ko na sana’y tama ang maging desisyon ko. Although malungkot ako dahil ayokong ma-destino sa malayo.  Dumating ang ikatlong araw at kailangan ko nang magdecide. Tinawagan ko ang Vice President at nag-aalinlangang nagsabi ng ganito: “Sir I regret to inform you na hindi ko na po tatanggapin ang work na yun.” Di ko alam kung ano ang naging reaksyon niya. Ang natandaan ko ay ang naging reaksyon ko. Isa na yata sa mga pinaka nakaka-depress na araw iyon para sa akin. Naglalakad pauwi na parang binagsakan ng langit at lupa!  Tinatanong ang Diyos kung bakit binigyan ng pag-asa na kanya namang babawiin.

Nabalitaan ko na lamang na umalis patungong Davao ang isang grupo para sa training. Kasama pala duon si classmate. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Makalipas ang ilang araw, ay nabalitaan kong nakabalik na ang grupo. Iniuwi sila bilang malalamig na bangkay!!!. Nagulat ako, di makapaniwala! Di ko na matandaan ang eksaktong pangyayari pero may aksidenteng naganap. Iisa ang nakaligtas. Nagpunta  ako sa lamay ng classmate ko. Nalungkot ako para sa kanya. Pero  dapat ba akong matuwa para sa sarili? Kung tinanggap ko kaya ang trabaho? Kung kasama kaya nila ako? Naglalaro ang maraming tanong sa isip ko nang batiin ako ng isang babae na naglalamay din. Isa sa mga boss sa company. Mukhang pamilyar daw ako ang sabi niya. Nasabi ko na lang na naging aplikante ako sa kompanya nila.

Kinalimutan ko na ang kumpanyang iyon.  ‘NO’ ang sagot ng Diyos sa aking  prayers that time pero nalaman ko rin kung bakit ‘HINDI’. At ipinagpasalamat ko iyon.   Lumipas ang isang taon na yata, nakapagtrabaho ako bilang  Management Trainee sa isang fastfood chain na medyo may kalayuan din. Isang araw, nakatanggap uli ako ng tawag mula sa kumpanyang iyon.  Bago na pala ang Hiring Manager at nakita daw niya  na nasa ACTIVE file pa rin (??) ang application ko sa kanila. May bakanteng posisyon dun sa may lugar namin. Tinanong nya ako kung intresado ako. Sandali ako nag-isip at sinabi kong…. ‘YES!’

Natanggap ako sa company. Nakapagtrabaho ng mahigit dalawang taon.  Ang akala kong ‘NO’ sa aking prayer ay   naging  ‘WAIT’,  at nang kinalaunan ay naging ‘YES!’      

5 comments:

  1. Better be grateful for a yes, no or wait answers. Sooner we'll understand the reasons why : )

    ReplyDelete
  2. Nakakagulat! this time totoo pala yung second life..

    ReplyDelete
  3. Yes, nabigla nga din ako nang nabalitaan ko yun.. ganyan talaga kapag di mo pa oras! in God's time!

    ReplyDelete
  4. Very inspiring naman nito although may masamang nangyari dun sa kakilala mo. Ganyan siguro talagang kumilos ang mga kamay ni Lord. Yung mga bagay na akala mo sa una ay hindi ibibigay sayo, ay makakamtam mo din on his perfect time. Basta don't lose hope lang parati sa kanya. God has his purpose in everything!

    Nga pala, deleted na ung isa kong blog na binibisita mo. pero I made another one:
    http://fiels-inner-sanctum.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. Yes, may perfect time talaga siya...
    Anyway, deleted na yung isa? Sige visit ako today. thanks!

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...