“Wag na wag kang bibitaw sa akin. Baka mawala ka. Napakaraming tao dito sa mall” Ang mahigpit na bilin ng isang ina sa kanyang limang taong gulang na anak. “Naiintindihan mo ba? Kumapit ka lang sa akin. Kumapit ka sa palda ko. Wag kang bibitaw!” “Opo!” ang sagot ng bata.
Palibhasa’y malapit na ang Pasko, hindi na magkamayaw ang mga mamimili. Patuloy na dumagsa ang mga tao. Pagkaraan ng ilang minuto, humahangos ang ina sa kinaroroonan ng isang guwardya. Naiiyak na nagtanong. “Mamang guwardiya...may nakita ba kayong batang babae? Nawawala po ang aking anak... May hawak po siyang palda!”
Joke lang! Mula yan sa isang talk na narinig ko kay Bo Sanchez. Nakakatawa pero may mensahe para sa atin. Sa ating buhay, marami tayong kinakapitan – trabaho, kabuhayan, mga materyal na bagay, mga alalahanin at kung anu-ano pa. Syempre, kailangan natin ng ‘sense of security’ sa buhay. Mahalaga ang mga ito para sa kinabukasan natin at ng pamilya.
Yun nga lang, madalas ay sa palda tayo kumakapit. Ang palda ang tanging inaasahan. Nalilimutang kumapit sa may-ari ng palda. I mean duon sa tagapag-provide ng mga pangangailangan natin - ang Diyos. Ang Diyos na higit na nakakaalam ng mga bagay-bagay na makabubuti para sa atin.
Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing. ~John 15:5
Natawa ako dun sa joke, bitbit nung little girl ung palda ng nanay nya. so that means, nakahubo na lang si nanay nya ahahaha!
ReplyDeleteanyways, na-inspired ulit ako sa post mong ito. tama ka, kahit gaano man kabigat ang problema at pinagdadaanan natin ngayon, wag tayong mawawalan ng pagasa at patuloy lang tayong maniwala kay Lord. Kapit lang ng mahigpit sa kanya. Wag bibitiw :)
napaisip tuloy ako sa palda hehehe
ReplyDeleteGanda ng mensahe ng nakapaloob dito... minsan sa palda tayo nakahawak... bakit hindi sa kamay... katulad ni God.. kung may paniniwala lang... dapat sa kanya tayo kumapit.... at minsan siya na mismo ang hahawak sa ating kamay... manalig ka lang sa kanya
Yes, fiel, simpleng joke pero may mensahe...dapat alam natin kung kanino kakapit.
ReplyDeleteJonDmur, siguro may bitbit na maraing pinamili kaya pinahawak na lang sa palda, hehe.. pero tama ka, madalas naman Siya talaga ang humahawak sa atin. bumibitiw lang talaga tayo minsan...
ReplyDeleteso true. minsan nakakalimutan na natin si God. okay din yung story ha.i share ko nalng sa facebook. gusto ko sana i status to. hahaha
ReplyDeleteSalamat Phioxee, my pleasure : ) Visit ko din blog mo today!
ReplyDeleteNice natawa ako sa palda ni Ina. Pero ang galing may aral na makukuha :)
ReplyDeletesalamat Archieviner : )
Deleteparekoy, I want to know what do you want for Christmas. You've been tagged!
ReplyDeletehttp://fiel-kun.blogspot.com/2012/11/all-i-want-for-christmas.html
ha? sige bisitahin ko blog mo.. salamat
ReplyDeleteGaling ng joke a, gusto ko ring maranasan na makinig ng personal kay Mr.Bo S.
ReplyDeleteMadalas nga maling mga bagay ang nakakapitan natin, napakagandang mesahe!