Buhay ay Pagtatanim

Kabutihang iyong itinanim, 
Pihadong aanihin. 
Di man agad dumating, 
Bawat araw mo’y pagpapalain.
~Kartun Netbuk

Nagkwento si Tatay. Nuong araw kapag may manggang hinog na pasalubong si Lolo ay pinaghahati-hatian nilang magkakapatid. Hahatiin ang dalawang pisngi at sa isa naman ang bandang gitna. At masaya silang kakain. Sa ngayon, lalo na sa kapanahunan ng mangga ay hindi na namin kailangan pang hatiin ang prutas. Kahit tig-iilan kami, ok lang. Hindi dahil sa ‘rich’ na kami kundi dahil sa namumunga na ang maraming puno ng manggang itinanim ni Tatay nuong kabataan niya. Kaya nga kahit na ang mga kasunod na henerasyon namin ay makikinabang din dito. 

Ang buhay ay tulad ng pagtatanim. Hindi mo mapakikinabangan kaagad ang mga punlang itinanim. Bagkus ay sa pagdaan pa ng mga panahon. May mga pagkakataon pa ngang hindi na ikaw ang makikinabang sa bunga. Subalit ang mahalaga ay ang pagpupunyaging makapagpunla at makatulong sa iba. 

Naalala ko ang isang kwento. Isang matandang lalaki ang abalang nagtatanim ng punongkahoy. Nakita siya ng isang mas nakababatang lalaki. Lumapit sa kanya at saka sinabing. “Lolo, nagtatanim pa kayo ng puno. Eh kahit na abutin pa kayo nang mahigit sampung taon ay hindi nyo na mapakikinabangan ang mga bunga nyan!.” Mabilis namang tumugon ang matanda. “Ginoo, matanda na nga ako.. at sa edad ko ay marami na rin akong nakaing bunga na hindi naman ako ang nagtanim. Hayaang mong sa pamamagitan ng pagtatanim ko sa ngayon ay maibalik ko ang grasya sa mga susunod pang henerasyon.” Hindi na nakakibo ang ginoo. 

Life is a gift, and it offers us the privilege, opportunity, and responsibility to give something back by becoming more. ~Anthony Robbins 

…for whatever one sows, that will he also reap. ~Galatians 6:7

buhay ay pagtatanim cartoon tagalog

No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...