Nakita ako ng pusa namin nang padating ako mula sa kabilang bahay. Alam nitong bitbit ko ang pagkain para sa kanya kaya’t malayo pa’y patakbo na itong sumalubong. Subalit sa paglapit nito ay isang aso ang humarang sa kanya at tipong galit o nananakot. Hindi natinag ang pusa at wari’y hinarap pa siya. She looked straight into the dog’s eyes. Kapagdaka’y umalis din ang aso. Nag-isip ako, ano kayang sinabi ng pusa sa aso? ‘Oops, akala mo ba matatakot ako sa iyo?, go away or I’ll kick your ass! hehe..
Simpleng lesson ang na-realize ko. Hindi komo mas malaki sa kanya ang aso ay ikatatakot na nya. Sa halip na kumaripas ng takbo ay tumigil pa sya. Hinarap nya ito – eye to eye! Hmm tayo kaya? Kapag may danger o pagsubok sa atin, ganundin kaya ang magiging unang reaksyon natin? Hindi kaya magpanic agad tayo? O kaya kung may mabibigat na alalahanin, Ok lang bang gawing shock absorbers ang good time, alcohol, vices at iba pa? Tanong lang…mahirap sagutin pero kagaya ng pusa, sana ay humarap tayo straight into the problem’s eye at saka sasabihing ‘Akala mo ba matatakot ako sa iyo?’
ganda ng message.... minsan kailangan nating harapin ang mga pagsubok... alisin ang takot... at buong tapang na lumaban... gaano man kalaki ang kaharap na problema... nice post... ^^
ReplyDeleteyes, totoo yan Jon. Wala namang ibang magandang paraan kundi ang pagharap sa mga pagsubok. Mahirap minsan pero nararapat lang na gawin. Salamat!
ReplyDelete