Uulan, Aaraw..

Ilang araw na ring nag-uuulan. Laging basa ang paligid at mataas ang level ng tubig ng ilang lugar. Sa ngayon, panandaliang sumilip ang araw kaya't kanina lang ay nanungkit na ako ng ilang mangga. Habang nakatingala ay natatanaw ko ang maaliwalas na sikat ng araw. Ayos! Pero panandalian lang ito. Panigurado, babagsak na muli ang ulan sa hapon. Sabagay ang mahalaga sa ngayon ay ang maaliwalas na sandali.

umulan umaraw cartoon

Ganyan talaga, minsan uulan, minsan aaraw. Subalit bawat panahon ay mahalaga. Nararapat na ipagpasalamat. Ngumiti kahit na minsan ay may kalungkutan. Tumayo sa bawat pagkadapa at umasa pa rin sa magandang bukas. Patuloy man  ang pag-ulan, pasasaan ba’t  titila din yan. 

No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...