Laging Galit, Pumapangit!

Ito ay kwento ni Fr. Alex mula sa kanyang homily. Isang  karansan niya sa pagtuturo sa isang exclusive school.

Unang araw pa lamang ay may isang estudyanteng lalaki na pumasok padabog sa kanyang klase. Hindi na lamang niya pinansin subalit sa mga sumunod na araw ay ganuon pa rin ang kanyang attitude. Isang beses ay sinipa pa nito ang kanyang table sa unahan. Hindi na ito pinalampas ng pari at saka nagsalita. “Ang bilang ng mga estudyante ko sa eskwelahang ito ay limampu . At sa isang araw ay sampung piso lamang ang tinatanggap ko sa bawat isa. Lumapit siya sa “spoiled” na estudyante at sinabing “Iho, heto na ang P10, pwede ka nang lumabas sa aking klase ngayon, hindi na kita sagutin sa araw na ito.” Lumabas naman ang estudyante.

ang taong laging galit pumapangit cartoon
Nang sumunod na araw ay lumapit naman ang estudyante sa pari, humingi ng “sorry” at tinanong kung maaari siyang makausap. Pumayag naman ang pari. Nagkwento ang estudyante at nalaman nya na nagmula ang bata sa isang broken family. Iniwan sila ng ama at ang ina naman ay nahuhumaling sa kanyang D.I. (Dance Instructor). Sa murang edad ay nagkaroon siya ng dalawang anak sa magkaibang babae. Nalulon din siya sa droga. At saka sinabi ng estudyante “WALANG HIYA sila!, Walang hiya ang mga magulang ko!. Sinira nila ang buhay ko.”… Sumagot naman ang pari, “TANGA ka pala eh!” (Garapal daw kasi kung magsalita ang bata kaya tinatapatan lang niya ang lengguwahe nito). “Alam mo nang ginago kayo ng mga magulang nyo at anong ginagawa mo sa sarili mo?, GINAGAGO mo rin!!!” Medyo na-shocked ang estudyante pero patuloy pa rin syang nakinig. “Alam mo may GALIT SA PUSO mo kaya anong nangyayari sa iyo? ikaw ay PUMAPANGIT!!!, PUMAPANGIT din ang buhay mo!! Nasa tamang pag-iisip ka na para IWASTO ang sarili mo, Ayusin mo ang BUHAY mo!” Patuloy na nagbigay ng payo ng pari at patuloy ding nakinig ang estudyante . Hindi naging madali para mapagbago ang estudyante subalit nagkaroon na nang kaunting PAG-ASA para sa kanya. Sinabi pa ng pari.. “Alisin mo na ang galit sa puso mo, tandaan mo, kapag ang isang tao ay LAGING GALIT, siya ay PUMAPANGIT!”

No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...