Kapag Hindi..

kapag di ka hahakbang, nasa dating lugar ka pa rin

Kapag di mo sisimulan, walang matatapos.
Kapag di ka magtatanong, malamang hindi ang sagot. 
Kapag di ka iinom, hindi mapapawi ang uhaw!
Kapag di ka magtatanim, mayron kayang aanihin?
Kapag di ka kakain, gutom ka pa rin!
Kapag di  isusulat, walang makapagpapa-alala.
Kapag di hahasain, mananatiling mapurol at walang talim.
Kapag di ka hahakbang, nasa dating lugar ka pa rin.
Kapag di ka kikilos patungo sa iyong minimithing direksyon, wag asahang mararating iyon.
Mensahe ko yan para sa sarili. 
Dahil kapag di ipinapaalala, malapit kay Amnesia.

6 comments:

  1. Perseverance, will-power and discipline ~ that's what i need!

    ReplyDelete
  2. Kaya dapat kung may gusto kang ma-achieve sa buhay, work hard to achieve it at kumilos ka now nah!

    ^_^

    ReplyDelete
  3. Mensahe ko rin to para sa sarili ko. Kasi kadalasan nakakalimutan ko sakin pala magsisimula.

    ReplyDelete
  4. malaking check sa pink na ballpen ,, very much ako

    ReplyDelete
  5. Tama! Ako din hehe. Thanks Kulapitot!

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...