Kapag di mo sisimulan, walang matatapos.
Kapag di ka magtatanong, malamang hindi ang sagot.
Kapag di ka iinom, hindi mapapawi ang uhaw!
Kapag di ka magtatanim, mayron kayang aanihin?
Kapag di ka kakain, gutom ka pa rin!
Kapag di isusulat,
walang makapagpapa-alala.
Kapag di hahasain, mananatiling mapurol at walang talim.
Kapag di ka hahakbang, nasa dating lugar ka pa rin.
Kapag di ka kikilos patungo sa iyong minimithing direksyon, wag
asahang mararating iyon.
Mensahe ko yan para sa sarili.
Dahil kapag di ipinapaalala, malapit kay Amnesia.
