“Alam mo na yun!” Alam na daw natin.
Alam na natin kung anong gusto nating marinig. Hindi na natin kailangan pang itanong o marinig mula sa iba. Posibleng na-ikondisyon na natin ang sarili sa mga positibo o negatibong pananaw ukol sa sarili. Kaya kung nasanay tayo sa mga paniniwalang pangit, talo, bigo, walang pag-asa at iba pang negatibong kaisipan ay nararapat na palitan ito dahil kung hindi ay dyan talaga ang patutunguhan natin. Proper mind conditioning daw ayon sa mga eksperto kung nais nating magtagumpay sa buhay! Hmmm. hindi madali! Sabagay, sino nga ba ang unang dapat na maniwala sa sariling kakayahan at katangian kundi ang sarili. Kung di ka naniniwala, eh paano mo pa ma-co-convince ang iba? Tama nga din! Anyway, I guess it will be a lifelong learning kaya mas makabubuting matutunan na ito hanggang maaga!
