Heto ang English version:
If I like it, it's mine.
If it's in my hand, it's mine.
If I can take it from you, it's mine.
If I had it a little while ago, it's mine.
If I saw it first, it’s mine.
If it’s broken, it’s yours.
(author unknown)
Yan ang pananaw ng isang toddler. Naalala ko yan kanina habang nakikinig sa homily ng pari. Ganyan talaga mag-isip ang mga bata (toddler). Pero para sa mga adult, hindi na ganyan ang pag-iisip. Di ba? Hmmm.. para sa iba, pero hindi para sa lahat… Dahil...
Hindi na batang paslit ang mga snatchers na patuloy na nanghahablot ng pag-aari ng iba.
Hindi na batang paslit ang mga rapists. Ang hindi nila makuha sa santong dasalan ay dinadaan sa santong paspasan.
Hindi na rin mga bata ang mga holduppers, thiefs, swindlers at iba pa. Pero ang maisahan at malamangan ang kapwa ang hangad nila. Hindi kaya mas masahol pa sila sa mga toddlers? Tsk tsk tsk.
Dahil kaya yan sa sobrang kahirapan? (pero hindi pa rin tama!). Madalas yan ay dahil sa masasamang gawi, inggit, pagkamakasarili at kawalang respeto sa kapwa. Kaya ipinaalala ni Father kanina ang James 3:16.
Saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, maghahari rin doon ang KAGULUHAN at lahat ng uri ng MASAMANG GAWA. (Santiago 3:16). Ibig sabihin, kahit na makamit nila ang anumang bagay na ibigin nila ay sigurado na wala pa ring KAPANATAGAN at KALIGAYAHAN sa buhay dahil nasa puso at isipan na nila nakatanim ang kaguluhan!
Kung pwede lang sanang pakiusapan ang mga toddlers(??) na ito na maging patas naman ang laban. Matutong igalang ang buhay ng kapwa lalo na yung mga tapat na nagtatrabaho at nagsisikap para sa kapakanan ng kani-kanilang mahal sa buhay... Sana lang.. Sana.
kala joke yung post mo. hehehe malalim pala. couldn't agree more ;-)
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
Hehe, malalim ba. medyo seryoso lang sa ngayon hehe : )
ReplyDeletePero may kasabihan din na life isn't always fair... kaya nakaka frustrate din minsan na may bagay kang gustong makuha or makamit, pero parang napakahirap kamtin. yun bang ang daming mga humahadlang...
ReplyDeleteOo nga. di talaga fair.. I agree! Kahit na gaano ka kasipag magtrabaho o kahit na gaano ka katapat sa gawain, hindi pa rin 'guaranteed' na papabor sa iyo ang blessings. Di talaga natin kontrol ang fate. Wala tayong magagawa kundi magpatuloy sa magandang gawain at malinis na intensyon. God knows what's due for us.
ReplyDelete