Wag Bibitaw!

wag bibitaw tagalog poster

May siyam na buhay ba ang pusa? Di ko alam!

Naalala ko yung pusa namin. Nahulog mula sa taas ng tukador habang natutulog. Lakas ng lagapak! Lakas din ng ngiyaw!  Nasaktan yata ang mokong. Ilang saglit pa ay nakita ko na hirap na hirap lumakad! Kaladkad ang isang paa. Napuruhan yata at matindi ang pagkakabagsak. Marahil ay dalawang araw ding   walang ginawa kundi matulog. Pero pinipilit kumain. Patumba-tumba siya kung maglakad. Sabi ko “mahina na to, wala nang pag-asa at mamamatay na lang ito”.  Pagkatapos bigla na lang siyang nawala sa bahay. Mga tatlong araw ding hindi nagpakita. Naawa naman ako. Pero nagbalik sya! Paika-ika pa rin. Gusto ko ngang tanungin : “kailangan mo na ba ng saklay?” Hehehe.

Pero akalain mo sa ngayon, pagkatapos ng ilang linggo ay normal na muli ang kanyang paglakad at pagtakbo. Amazing! Parang walang nangyari! Kung nasabi ko nga na wala na siyang pag-asa pero lumaban pa rin! Hindi bumitaw! 

Yan siguro ang dapat na matutunan mula sa kanya. Aminado ako, minsan madali akong bumitaw (Ok madalas pala) Nagre-resign sa trabaho, sa mga gawain, sa mga organization na sinalihan ko at iba pa. Kapag nahihirapan ay umaayaw na agad ako. ‘Kung ayaw mo, wag mo!, Di ko ipagpipilitan! Lack of persistence di ba? at saka pride..Tsk tsk, mali talaga. Kaya dapat pag-aralan ang ganitong mga traits ng hayop. Persistent, fighter, they keep on going, they never give up, they never say die. Nagpapatuloy hangga’t kaya. Hindi bumibitaw. Madali? Hindi!! pero dapat na matutunan! Ang sabi ni Marilyn Vos Savant: Being defeated is often a temporary condition. Giving up is what makes it permanent. 

4 comments:

  1. Aww another inspiring cartoon and post :) maihahalintulad mo din ito sa kasabihan na habang may buhay may pag-asa kaya don't lose hope. pagkahaba-haba man ng gabi, siguradong may magandang umagang naghihintay sa atin. naks sobrang serious ko :D

    anu pa lang graphic program ang ginagamit nyo sa paggawa ng cartoons dito?

    ReplyDelete
  2. CorelDraw X3 ang gamit. Medyo lumang version na.. May X6 na kasi..Annywa, salamt Fiel-kun. Visit ko din ang blog mo!

    ReplyDelete
  3. Hello, Ric, nice post. At nakakahanga kasi nabigyang pansin mo ang isang pusa :) Kudos!

    ReplyDelete
  4. Yes, observant minsan eh..napapansin minsan ang mga simpleng lesson sa mga bagay-bagay. Thanks for the visit!

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...