Ang Ating Byahe


byaheng pinoy cartoon car

Kapag problemado ang isang tao, madalas napopokus lang siya sa sariling alalahanin at kung paano ito masu-solusyunan.  Di nya gaanong napapansin ang kalagayan ng iba na kung minsan ay may mas mabigat na dalahin  pala.

Naalala ko ang isang kwento. Si Peter na isang office executive ay nagpasyang magbakasyon sa beach para makapag-relax. Nais niyang mapag-isa at makapag-isip-isip dahil sa dami ng kanyang problema. Isang umaga ay naglakad- lakad siya  sa may dalampasigan. Napansin nya  na may  isang batang babae ang sumusunod sa kanya. Bagamat nais nyang umiwas ay kinausap nya ito sandali. Nagpakilala ang makulit at masayahing batang si Jenny.  Tila hindi siya nauubusan  ng mga tanong kaya’t   mabilis siyang nagpaalam sa bata. Sinundo naman ng isang babae ang bata.

Kinabukasan ay muling namasyal sa dalampasigan si Peter. Malalim pa rin ang kanyang iniisip. Maya-maya pa’y kasunod na rin nya si Jenny. Tulad nang unang pagkikita, sadyang  maraming  tanong ang bata. Kinausap nya sandali at naitanong  kung saan siya nakatira. Di rin nagtagal ay nagpaalam na siya.

Nang ikatlong araw ay nagbalik muli ang bakasyunista sa dalampasigan. Inaasahan na niyang lalapit sa kanya  si Jenny  subalit hindi ito nangyari.  Kung kailan  nais niyang  kausapin ang bata ay saka naman hindi ito nagpakita.

Huling araw na nya sa bakasyon at hangad nyang kahit sa huling pagkakataon ay maka-kwentuhan nang matagal ang bata.  Subalit hindi rin nakarating  ang kanyang inaasahan. Kaya’t ipinasya niyang puntahan ang tirahan ng paslit. Nakita nya ang lugar subalit ikinabigla at ikinalungkot ang nalaman mula sa isang katiwala:  “Isinugod po sa Ospital kahapon si Jenny, malubha po ang kalagayan niya.  May taning na kasi ang kanyang buhay at kailangan nang tutukan sa Ospital”

Halos hindi makapaniwala ang lalaki sa tinuran ng kausap. Hindi nya inakala na ang isang masigla at masayahing bata ay may malubha palang karamdaman. Magkikita pa kaya sila? Naitanong niya sa sarili. Posibleng hindi na. Umalis sya sa lugar na may paghihinayang. Kung alam lang niya na may taning na  ang buhay ni Jenny ay pinaglaanan nya sana ito ng kaunting panahon, pang-unawa at pagkalinga.    

1 comment:

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...