Isang guro ang naglalakad patungong library. Malalim ang kanyang iniisip. Mga personal na alalahanin sa pamilya at sa trabaho. Nang marating na niya ang library ay ikinabig patulak ang pinto. Hindi ito nabuksan. Inulit pang muli at madiing itinulak. Hindi pa rin nabuksan. “Ano ba yan! Ang aga-aga sarado na agad ang library!”. Nayayamot na tinuran ng guro. Patalikod na umalis at nasalubong ang isang bata na papunta rin sa library. Huminto siya at tumingin sa direksyon ng estudyante. Hinila ang pinto at kaagad na nakapasok sa loob. Muli niyang binalikan ang library. Napansin ang nakalagay na karatula sa pinto - “PULL”.
Pilit din ba nating binubuksan ang pinto ng ating mga pangarap? ng ating mga pang-araw-araw na gawain? Pwersahang itinutulak na sa halip ay hilahin? Ganundin ako kung minsan. Pinagsisikapang makuha ang mga bagay sa sariling pamamaraan gayung mayron namang mas akmang paraan. Madalas ay napapagod sa paggawa at pag-iisip. At nagagalit kapag hindi ito naisakatuparan kaagad. Kung pwede nga lang na matularan ang gawi ng mga bata na madalas ay pokus ang isip sa kasalukuyang gawain at hindi binabagabag ng mga alalahanin. Simple lang ang hangarin at masaya ang pananaw sa hinaharap. Kung madali lamang na turuan muli ang ating mga sarili na laging magtiwala sa Diyos, mamuhay ng simple, magpahinga kung kinakailangan at laging maging positibo sa anumang pagsubok. Sa ganitong paraan mas madali nating mabubuksan ang pinto ng mabuting bukas.
Always take hold of things by the smooth handle. ~Thomas Jefferson
Every tomorrow has two handles. We can take hold of it with the handle of anxiety or the handle of faith. ~Henry Ward Beecher
I know it is easier said than done. Hoping and praying God will always lead us.
ReplyDeleteThis story made me realized that in order to reach the dream, needs to work for it.
ReplyDelete