Isang executive ang natanggap sa trabaho sa isang malaking kumpanya. Excited siya sa unang araw at dumirecho sa kanyang magarang opisina. Isang laborer ang papunta sa kanya na natanaw niya mula sa salamin ng dingding. Mabilis na dinampot ang telepono at saka sinenyasan ang lalaki na pumasok sa opisina. Pinaghintay sandali habang kunwari’y abala siya sa pakikipag-usap sa kabilang linya. “Oo pare, sampung malalaking accounts ang siguradong maipapasok ko sa kompanya at pihadong 20 milyon na agad ang kikitain. O sige, may kakausapin pa ako. bye”
Ibinaba ang telepono, tumingin sa dumating na lalaki at saka tinanong, “What can I do for you?” Nagsalita ang laborer. “Sir, pinadala po ako ng Presidente ng kompanya, pwede ko na daw pong ikabit ang linya ng telepono.”
Ano kayang naging reaksyon ng executive? Namula marahil sa kahihiyan.
Napakahalaga sa isang tao ang pagiging truthful, down to earth at hindi mapagyabang. Naalala ko tuloy ang isang lider ng grupo na sinalihan ko ilang buwan lang ang nakararaan. Mapapahahanga ka sa kanyang mga sinasabi. Saludo ako sa kanyang concern para sa mga miyembro subalit nang magtagal na ay tila patalikod na binabanatan ang maraming miyembro. Minamaliit ang gawa ng ibang tao. Akala ko’y napakagaling na lider. Sa simula lamang pala. Kapansin-pansin tuloy ang mga taong umiiwas din sa kanya.
He is not wise to me who is wise in words only, but he who is wise in deeds. ~St. Gregory
It's not who you are, it's what you do that matters. ~Todd Cloutier
kung minsan talaga, ang isang tao ay nakakakuha ng kasiyahan isipin lamang niya na maganda siya o in good standing siya sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Ang kasiyahan niya ay mula sa affirmation ng ibang tao sa gusto niyang maging tingin sa kaniya ng ibang tao.
ReplyDeleteSadly, nakakalimutan na nila to look deeper into their hearts, to assess what truly makes them happy.
Miss N of
http://nortehanon.com
Yes, hindi dapat dependent sa kung ano ang sasabihin ng kapwa mo sa iyo ang HAPPINESS. Dahil kung ganuon ay magiging miserable ka sa buhay. You are right, you have to look deeper into your heart to know what are the things or ways that make you happy. Thanks Miss N.
Delete