Ang Kape ng Buhay



cup cartoon pinoy
Bumisita ang isang grupo ng mga alumni sa kanilang Professor. Kwentuhan sila. Sa simula’y masaya subalit nang kalaunan na ay napag-usapan na ang mga stress sa buhay at trabaho.

Sandaling pumasok sa kusina ang Professor para kumuha ng kape. Sa pagbalik nya’y  bitbit ang malaking pot gayundin ang mga tasa na may iba’t-ibang hugis, laki at anyo – porcelain, plastic, glass, crystal, may mga simple at may mamahalin.

Bawat isa sa kanila ay pumili ng kani-kanilang tasa. Habang humihigop ng kape ay nagsalita ang Professor.

“Kung mapapansin nyo, halos mga mamahaling tasa ang inyong pinili. Ang mga simpleng tasa ay naiwan sa lagayan. Syempre, tama lamang na pumili tayo ng ‘the best’ para sa sarili. Pero alam nyo ba na minsan ang mga maling priority natin ang nagiging sanhi ng ating mga stress sa buhay. Kung tutuusin walang kinalaman ang lasa ng kape sa tasa. Kadalasan ay ikinukubli pa nito ang kanyang laman. Bagamat yung laman lamang ang hangad natin pero ginugusto pa rin natin ang magagarang  sisidlan. Minsan, ay ikina-iinggit pa ang nakukuha ng iba.”

Nagpatuloy pa ang Professor: “Ang kape ay ang ating buhay. Ang ating trabaho, posisyon at mga materyal na bagay ay ang tasa. Ito’y sisidlan lamang subalit madalas ay nakapokus tayo sa lagayan at nalilimutan natin na mas mahalaga ang laman.” 

Napag-isip-isip ko ang mga sinabi ng Professor. Dahil sa paghahangad natin ng magandang sisidlan, madalas ay masyadong nagiging abala tayo. Nakalilimot tuloy na mas mahalaga ang buhay kaysa sa mga materyal na bagay.

4 comments:

  1. isang magandang mensahe... sang ayon ako sa nabanggit. Minsan talaga tinitingnan natin ang mga materyal na bagay...

    Maganda ung pagkakalarawan , napupulutan ng aral ang post na ito ^___^

    ReplyDelete
  2. wow! ang gandang halintulad naman. grabeh noh, narealize ko tuloy lahat.

    ReplyDelete
  3. Mahilig ako sa kape. AT maganda yung anecdote :) yey!

    ReplyDelete
  4. awww super like ko toh hehehe... dapat talaga ay naka focus tayo sa mga mahahalagang aspeto ng buhay hindi lang sa materyal na mga bagay :)

    habang binabasa ko toh, ung commercial ni coco martin na nescafe with "yummy!" ang tumatakbo sa utak ko hehehe

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...