Pira-pirasong Aral

Ang buhay ay parang jigsaw puzzle. Binubuo isa-isa. Hindi sabay-sabay. Gayundin ang mga problema, nakaka-praning kung pagsasabay-sabayin. 

Huwag masyadong mag-alala sa iniisip ng iba. Hindi lang ikaw ang naiisip nila. Unfair naman kung lagi mo silang naaalala ngunit di ka naman mahalaga para sa kanila.

Matinding kalaban ang inggit. Isipin mo na lang na minsan ay nauuna ka, minsan nahuhuli. At sa bandang huli'y ikaw din ang makapagpapasaya sa sarili.

Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ang mahalaga'y umuusad ka na mas lamang ang saya! 

Ang mga kaibigan ay dumarating…at umaalis...at may nagbabalik. Pahalagahan ang mga nananatili. Sa iyong pagtanda, sila ang mga pabaong maghahatid ng magagandang ala-ala.

4 comments:

  1. agree ako diyan... ganyan talaga ang buhay minsan nasa baba tayo minsan nasa itaas naman... ang mahalaga wag tayong susuko...

    tama rin na pahalagahan ang mga kaibigang meron tayo... lalo na ung subok na ang friendship nyong dalawa....

    ^_^

    ReplyDelete
  2. pahabol lang.... gusto ko ung pahalagahan ang mga nananatili... bilang writer (kahit di ganun kagaling at kakilala) dapat pahalagahan ko ung mga reader na sumusuporta sa akin... at tulad ng nabanggit mo... meron ding umaalis.... may bumabalik... ang mahalaga... pahalagahan mo ung nananatili.... lalo na kung naging kaibigan mo na sila...

    isang magandang aral itong post mo... ^^

    ReplyDelete
  3. Ganda naman nito :)

    dagdag na din nating tong isang peyborit ko na quotes jan:

    "When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile."
    - Wag mong problemahin ang problema, hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo, tama ba? :)

    ReplyDelete
  4. uy, salamat JonDmur at fiel-kun. Yes, i agree sa mga mensahe nyo. Salamat! Ako naman ang bibisita sa mga sites nyo..

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...