Malungkot ang umaga.makulimlim, malamig, tahimik…Ganyan talaga siguro pagkatapos ng mga masasayang okasyon kagaya ng Pasko. Pero bukod pa dito, hindi talaga maganda ang lagay ng panahon lalo na sa Visayas at Mindanao na kung saan kasalukuyang nananalasa si Quinta (bagyo). Di naman siya ganung kalakas pero may mga casualties na din. Nakataas pa rin ang Signal Number 1 at 2 sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kalungkot naman. Hindi pa man nakakabangon dahil sa delubyong inihatid ni Pablo ay heto pa ang isa.
Kuha sa tapat ng aking bintana ngayong umaga Sa personal level naman, nakapagpapa-down din sa isang tao ay ang mga expectations na hindi nangyari nitong nakaraang season. Sabagay ganyan naman talaga ang buhay. Hindi lahat ng mga inaaasahan natin ay natutupad. Ipagpasalamat na lamang ang mga na na-accomplished. Ang buhay ay isang roller coaster ride. Tataas-bababa. Magpasalamat sa mga pagkakataong nasa itaas at namamayagpag. Pero dapat ding ipagpasalamat ang mga panahon ng kawalan at kalungkutan. Hindi naman masamang magdamdam. Mag-isa... mag-isip... malito...o magtanong. Huwag lamang manatiling nakalugmok at nagmumukmok. Kailangang munang magpahinga at later ay bumangon. Hindi naman mananatili ang bagyo, bagkus daraan din lamang. Pahalagahan na lang ang mga natutunan habang nararanasan ang ulan at umasa na sa mga susunod na panahon ay sisikat ang araw.Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus. ~ 1 Thessalonians 5:18
Matapos ang Pasko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tama ka dyan sir. Tulad ng roller coaster ang unos ay natatappos din. Keep safe kayo dyan sa Pinas :)
ReplyDeleteMaligayang Pasko ulit :)
Yes,anumang unos ay matatapos din. God will make a way!
DeleteNinong Ric!!! ahaha :D
ReplyDeleteGloomy nga ang araw ngayon dahil kay Quinta. Anyways, tama ka na dapat ipagpasalamat kung anu man ang meron tayo ngayon. Masuwerte pa rin tayo at kahit papaano ay kumakain tayo ng tatlong beses or higit pa isang araw. Compared sa mga mahihirap nating kababayan. Tama ka din na hindi maling mag emo/senti mode minsan, basta bigyan mo lng ng time allotment ang sarili mo kung hanggang kelan mo ito gagawin and then afterwards, bumangon at move on!
Happy New Year!!!
Ninong Fiel hehe..onga, ayaw pang umalis ni Quinta. Mukhang magpapaabot pa ng new year hehe.. anyway, aalis din yan at kailangan uli nating magprepare para sa isa pang okasyon.
DeleteHanggang ngayon medyo makulimlim pa rin na may kasamang malamig na ihip ng hangin, Sana ngayong 2013 magpahinga muna ang mga bagyo ?(wag na munang tumambay sa Pinas)
ReplyDeleteTama hindi lang sa panahon na nasa itaas tayo ay doon lang magpasalamat! Isang makabuluhang mensahe. Keep safe.
Love the verse you quoted at the end :)
ReplyDeleteYes, love that verse too.. Salamat sa pagbisita Sir!
ReplyDeleteYes, Nong Inong... kulimlim pa rin kanina pero at least lumisan na si Quinta. thanks God!
ReplyDeletenagustuhan ko ang message nito... tama nga na ang buhay ay parang roller coaster... taas baba... ang mahalaga naniniwala tayo na malalampasan natin lahat...
ReplyDeleteMerry Christms ! ^___^