Naglalakad ako pauwi galing bukid isang umaga. Naririnig ko na tumutugtog ng drums ang aking pamangkin mula sa second floor ng kanilang bahay. Masaya ang drumbeat. Napatingala ako at hindi ko alintana ang mga batang kasalubong ko. Nang malapit na sa akin ang anim na bata, (may edad 4 hanggang 6) ay napatingin ako sa kanila. Masaya sila. Nakangiti at umiindayog sa saliw ng musikang naririnig din nila habang naglalakad. Seryoso ako at hindi ko pinansin ang mga reaksyon nila… subalit tila nakakatuwa ang mga hagikhikan nila habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Patuloy na umiindayog sa tugtog. Di nagtagal ay napangiti na rin ako sa kanila! Lalo pa yatang ginanahan sa pagsayaw!
Tingnan mo nga naman – mga batang walang pakialam sa saloobin ng ibang tao basta masaya sila. Period. Medyo malayo na ako nang maisip ko ang ilang katagang wari’y nasa isipan ng mga batang yaon.
“Who cares about the world?” ”Who cares who’s looking!” ”Who cares what people may say!” ”We are happy! and we will dance, and smile, and live, anyway!”
Tama nga naman. Live in the moment. Minsan, masyadong seryoso tayo sa buhay at nalilimutan na ang mga masasayang simpleng bagay! Take time to smile. Live in the moment.
Habang itinatype ko ito ay naalala ko ang sinulat ni David MacCasland:
“The thread of living one day at a time is woven throughout the fabric of Scripture. God supplied the Israelites with manna daily and our heavenly Father’s mercies are new every morning. Let us refuse to worry about tomorrow.”
Yes, learn to live at the moment. I think, it is a lesson we seem to learn with difficulty, but it will definitely hold the key to life and peace. Live in the moment. My life is today!!!
No comments:
Post a Comment
Your comments are highly appreciated. Thank you!