Sinagip ng Isang Ngiti

Dahil sa mabigat na alalahanin, isang lalaki ang nagplanong tapusin  na ang kanyang buhay. Tangan ang kanyang planong tumalon mula sa isang mataas na tulay, siya ay lumabas ng bahay. Habang naglalakad, naitanong nya sa kanyang sarili 'May maghahatid pa ba sa akin ng pag-asa?". At tila  may kasagutan sa kanyang tanong. Nakasalubong niya ang isang batang nakangiti   sa kanya. Marahil napansin ng bata ang kalungkutan sa kanyang mukha. Siya ay napahinto. Muling nag-isip. At saka tinahak ang daan pabalik sa kanyang tirahan. Hindi na nya itutuloy ang planong pagpapatiwakal bagkus ipinasyang ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka sa buhay.  

smiley tagalog
Sinagip siya ng isang ngiti! Smile ministry nga raw ang tawag duon. Miyembro ka  rin ba ng 'Smile Ministry?"  Hindi mo alam baka ang iyong ngiti ang  makapagpapabago sa desisyon ng isang makakasalamuha  mo sa ngayon. 

Isang Bible verse ang naalala ko... 

How beautiful .. are the feet of those who bring good news ~ Isaiah 52:7

gayundin ang quote mula kay H. Jackson Brown Jr.: 'Today, give a stranger one of your smiles. It might be the only sunshine he sees all day.' 



No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...