Patama

A tongue has no bones but it is strong enough to break a heart. 
Be careful with your words.

nagpaparinig pinoy tagalog cartoon

Pag-open ko  ng facebook kaninang umaga ay bumulaga sa akin ang maraming “discouraging status” mula sa ibang mga “friends” ko (daw?). Mga hindi kaaya-ayang mensahe para sa mga unknown people. Naitanong ko sa sarili. May pinatatamaan ba sila? Para sa akin ba iyon? O Para sa ibang tao? Deadma ko na lang… 

Para sa akin, I would rather choose to uplift someone rather than to inflict “hurt or pain”, intentionally o unintentionally.

Sa mga pagkakataong may sinadya tayong patamaan ay posibleng hindi natin sila “pinatay” physically pero posible din na “ikinamatay” na rin ng kanilang “ispiritu” ang mga salitang ito. Posibleng nasaktan, nalungkot at nawalan ng gana sila sa araw na iyon. Sa madaling sabi, “murderer” ka pa ring matatawag. 

Bakit hindi na lang kaya derektang sabihin sa kapwa? o magpaalala? sa halip na magpatama o kaya'y tumahimik na lang. Anyway, hindi ko rin alam ang sitwasyon nila. Heto ang ilang verses na magandang paala-ala.

He who guards his lips guards his life, but he who speaks rashly will come to ruin. ~Proverbs 13:3 

“So encourage each other and build each other up, just as you are already doing.” ~1 Thessalonians 5: 11 


No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...