Umaga pa lang kahapon ay napansin ko na ang mga kalat sa harap ng bahay. Mga basura mula sa mga nagdadaan at mga duming dala ng hangin. Busy ako sa umaga kaya’t hindi ko na nagawang makapaglinis pa. Sa muli kong paglabas makaraan ang ilang oras ay nakatawag pansin muli ang mga basura. Nakakairita man, hindi ko na lang ito pinansin. Bandang hapon na nang ako'y makabalik at syempre nandun pa rin ang mga kalat! Kaya’t kumuha ako ng walis at pansamantalang naglinis. Sa totoo lang ay hindi naman talaga kusang mawawala ang mga ito. Kailangang may gumalaw, kailangang may kumilos. (May related post ako ukol dito)
Dahil sa paglilinis, naging maganda na sa paningin ko ang daanan sa harap. At dahil din sa physical activity na ginawa ko, ay medyo nagboost ang Serotonin level sa aking brain. Ito ay sinasabing ‘happiness hormone’. Nagkaroon tuloy ako ngayon ng ideya kung ano ang isusulat.
Ngapala, heto ang mensahe ko para sa lahat!
Patalastas:
Naging busy ako sa isang website na sinasabing mabilis na mai-momonetize ang mga posts mo kumpara sa revenue na makukuha mula sa mga ads provider. Kung sakali, ito’y isang magandang opportunity para sa mga bloggers kaya sinubukan ko. Sa ngayon, medyo positibo ang developments pero hindi ko pa mai-se-share ang detalye hangga't wala pa akong pruweba na may revenue nga. Baka next week ay makapagpopost ako tungkol dito.
dito din sa amin, ang madalas na magkalat sa labas ay yung mga batang naglalaro. basta may marinig kang sigawan at kulitan sa labas, after nun ayun naiwan na yung mga plastic wrappers ng pinagkainan nila lols. minsan nga, sa kanal pa tinatapon. mga pasaway na bata lols :D
ReplyDeleteyes, saamin din madaming pasaway na bata hehe...
ReplyDeleteTama! Kasi ang basurang itinapon babalik din sayo balang araw... kaya dapat maging responsable tayo...
ReplyDeleteMinsan kahit matanda na pasaway pa rin tinalo pa mga bata hehehe
Nice post!
Yes, totoo yan JonDMur, salamat!
ReplyDelete