Masasayang Ibon . . .

Halos araw-araw ay naririnig ko ang awit ng mga ibon sa may bintana ng aking kwarto. (Palibhasa’y maraming puno sa paligid ay ginawang tambayan  ang mga sanga.) May isang uri nga ng ibon na tila hindi nagsasawa sa iisang tono. Saulo ko na nga ang melody. Madalas ay sinasabayan ko na rin. Natutuwa lang ako sa mga damuho... Di yata nila alam ang kahulugan ng salitang ‘kalungkutan’. Huni dito. Awit duon. Lipad. Laro. Taguan...Patintero…. Walang pakialam sa mga kaganapan sa paligid. Masaya na hinaharap ang bawat mga araw. Kapag umuulan, e di tahimik muna sila pero kapag maaraw na naman ay patuloy na uli sa ‘good time!’. Kung hanggang kailan ang kanilang pamamayagpag, ay wala silang pakiaalam. Basta mag-eenjoy sila hanggang may hininga. Relax lang sila.   Naiisip kaya nila ito?
look at the birds in the air
Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?  Can any one of you by worrying add a single hour to your life? ~Matthew 6:26-27  


19 comments:

  1. Simple ang entry pero magandang pagnilayan :)

    ReplyDelete
  2. Yes, tukayo... madalas simple lang akong magkwento... straight to the point : ) salamat sa pagbisita

    ReplyDelete
    Replies
    1. tukayo! nyahahaha. at least madaling maintindihan at di na kailangan pang maggapas ng damo para lang makita ang mensahe ng entry :)

      Delete
    2. oo nga, di na kailangang magdala ng lilik sa paggagapas, haha...

      Delete
  3. Huwag na mag-alalang magutom ang pisikal na katawan, ang alalahanin ay ang aspetong espiritwal.

    ReplyDelete
  4. Awwww... ganda... may aral... gayahin natin ang mga birds...

    I really love birds!!!

    ReplyDelete
  5. yeah, we should be thankful na kahit papaano ay may maayos tayong tirahan at kumakain ng at least tatlong beses sa isang araw.

    ReplyDelete
  6. Yes, agree ako sa inyong mga komento. kung pwede lang talaga tayong mga mumunting birds na enjoy lamang sa pang-araw-araw na buhay. No need to rush, no need to work hard or worry : )

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Yes, Overthinker, ok sila... di sila nag-ooverthink...

      Salamat din Pao. Gusto rin ng lifestyle ng mga birds, pakanta-kanta lang, ( nakanta din ako pero minsan ang lyrics ng kanta ko ..."parang di ko yata kaya...." (ang korny!)

      Delete
    2. Talagang eto ang komento mo Pao. Haha

      Delete
  8. Yung verse sa Matthew 6:26-27 ang naiisip ko while reading this post. Iyun nasa dulo rin ng post mo. hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes, inspired by that verse.. love that verse.. hirap lang isabuhay kung minsan...

      Delete
  9. Sobrang appreciate ang verse na yan..And it's very true. Thanks for posting this one and reminding me how Good God is

    ReplyDelete
  10. Good blog from Phillippines, please visit my blog myfamilylifestyle.blogspot.com

    ReplyDelete
  11. I like your cartoon..It's Funny :D lol

    ReplyDelete
  12. paborito ko tong verse na ito.

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...