Ang Turnilyo


Kahapon sa halip na magcomputer ay binago ko ang routine ko.  Naglinis ako ng bahay. Naghakot ng ilang mga gamit mula sa dating bahay namin kasama ang aking computer table.  Dinis-assemble ko para mas madaling buhatin at saka in-assemble muli pagdating.  Habang abala sa pag-aassemble, napansin ko na kulang ng isang turnilyo. “Ok lang, isang maliit na bagay  lang iyon.” Ang sabi ko sa sarili.  Pero nang matapos ko ang table ay medyo pauga-uga ang isang bahagi nito. Kasi nga kulang ng isang turnilyo.  Ayun, naghanap tuloy ako ng isang akmang turnilyo. Naabala pa tuloy sa paghahanap.  Akalain mo yun, isang napakaliit  at tila walang kwentang bagay  ay may silbi pala!

Minsan marahil ganyan din ang tingin natin sa sarili. Sino nga ba naman ako kung mawawala? Hindi naman ako kawalan. May magagawa ba naman ako?  - Mga katagang minsan ay nasasabi ko rin. Subalit gaya ng isang turnilyo ay mayroong halaga.. May kabuluhan at kadahilanan kung bakit nilikha. (Ooops, ang  seryoso ko naman. Haha!)  Anyway, isipin na lang natin na tayo man ay katulad  ng isang turnilyo. May function  kung talagang nanaisin. Gaya din ng isang key sa  keyboard na kung mawawala  ang isa ay sadyang mahirap  basahin kagaya nito:
(Note: late post, nai-type ko na ito before Christmas pero di ko maasikasong mai-post until now... hehe)


15 comments:

  1. Maliit man ay may silbi din. Matulis at bumabaon din tulad ng turnilyo. May pakinabang at hindi buo kapag wala sya :)

    Maganda etong replesyon mo sir :)

    ReplyDelete
  2. maganda ang message. tama ka kahit gaano kaliit ang isang bagay malaki pa rin ang pakinabang..

    kaya wag maliitin ang mga bagay na akala natin wala ng pakinabang pa...

    Minsan kasi ung maliit na iyon un pa ang magpapaganda o magpapatibay...

    katulad din sa pamilya... minsan akala mo walang kwenta ang isang kapatid mo... pero balang araw siya pa pala ang makakatulong sa inyo...

    ReplyDelete
  3. yes, ika nga, ang maliliit lamang ang nakapupuwing : ) Salamat!

    ReplyDelete
  4. haha, profound ba?..ganyan talaga minsan medyo may lalim hehe

    ReplyDelete
  5. Ayun ohh. Pwede rin mairelate sa botohan yan, napapanahon! :)) Mahalaga ang bawat isang boto. Marami kasing tao ang nagsasabi na "isa lang naman ang boto ko, hindi kawalan" at yun ang isa sa mga pinakamaling akala nila sa buhay/boto nila.

    ReplyDelete
  6. Ang ganda ng point...

    So I'll consider myself as turniylo... May sense kahit papaano...

    Gusto ko ang post na ito.

    ReplyDelete
  7. Oftentimes, life's like that. Some of the small but equally important stuffs were ignored, unnoticed or underestimated. There are even people who are taken for granted as if they don't exist at all.

    ReplyDelete
  8. yes, tama Pao, lahat ng botante may halaga, wag lang pabibili ang boto nila : )

    Senyor, yes tayo'y mga turnilyo...kahit papaano'y may halaga.

    Fiel, ganyan talaga ang buhay, minsan napapansin ka, minsan hindi. Pero ok lang yan. Ang mahalaga ay hindi ka nabubuhay sa panuntunan ng iba. Mapansin ka o hindi, concern na nila iyon. Ang mahalaga'y nagpapatuloy ka pa rin, with or without them...

    ReplyDelete
  9. Turnilyo lamang ngunit napakalaki ng papel na ginagampanan sa lamesang iyon. Isang bagay na kung iisipin ay walang direktang kinalaman sa buhay ngunit sa kahit maliit at hindi napapansin, sa iba ikaw ay may silbi. Hahanapin kapag nawala.

    ReplyDelete
  10. hindi ata napost ang comment ko? :(

    ReplyDelete
  11. Yan nga ba comment mo? Ayan, na-post na hehe...

    ReplyDelete
  12. minsan po talaga kung ano yung maliliit na detalye sa buhay natin eh nakakalimutan (or ipinagwawalang bahala) na lang natin...
    atleast napaka Pro-active nyo po sa turnilyong yaan...

    *bear hugs*

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...