Kahapon sa halip na magcomputer ay binago ko
ang routine ko. Naglinis ako ng bahay.
Naghakot ng ilang mga gamit mula sa dating bahay namin kasama ang aking computer table. Dinis-assemble ko para mas madaling buhatin at
saka in-assemble muli pagdating.
Habang abala sa pag-aassemble, napansin ko na kulang ng isang turnilyo.
“Ok lang, isang maliit na bagay lang iyon.” Ang sabi ko sa sarili. Pero nang matapos ko ang table ay medyo
pauga-uga ang isang bahagi nito. Kasi nga kulang ng isang turnilyo. Ayun, naghanap tuloy ako ng isang akmang
turnilyo. Naabala pa tuloy sa paghahanap. Akalain mo yun, isang napakaliit at tila walang kwentang bagay ay may silbi pala!
Minsan marahil ganyan din ang tingin natin sa
sarili. Sino nga ba naman ako kung mawawala? Hindi naman ako kawalan. May magagawa
ba naman ako? - Mga katagang minsan ay
nasasabi ko rin. Subalit gaya ng isang turnilyo ay mayroong halaga.. May kabuluhan at kadahilanan kung bakit nilikha. (Ooops, ang seryoso ko naman. Haha!) Anyway, isipin na lang natin na tayo man ay katulad
ng isang turnilyo. May function kung talagang nanaisin. Gaya din ng isang key sa keyboard na kung mawawala ang isa ay sadyang mahirap basahin kagaya nito:
(Note: late post, nai-type ko na ito before Christmas
pero di ko maasikasong mai-post until now... hehe)
