Dalian Mo Naman!

give me patience tagalog
Nakita ko ang english cartoon na katulad nito. Natawa ako kaya’t ginawan ko ng version ko. Actually ganyan din ako kung minsan. May ipinagpe-pray pero dumadating sa point na naiinip at nagsasabing “Lord antagal naman!, paki-dalian” Anyway, human nature lang siguro. Ganyan talaga. Hindi kasi lahat ng gusto ng tao ay instant na maibibigay. Hindi naman nagmamadali ang Diyos. May timetable siya. He’s taking His sweet time. Mas concern niya ang humihingi kaysa sa hinihiling. Mas concern niya kung ano ang magiging 'character' ng tao pagkatapos na maipagkaloob o di maipagkaloob ang hinihingi nito. Kailangan lang ng kaunting patience, I mean maraming patience.

Ang sabi nga ni St. Augustine. “Patience is the companion of wisdom.”

Dagdag pa ni Ralph Waldo Emerson: “Adopt the pace of nature. Her secret is patience.”

Akin Yan

toddler rule tagalog


Yan ang Toddler Rules of Possessions.  
Heto ang English version:


If I like it, it's mine.
If it's in my hand, it's mine.
If I can take it from you, it's mine.
If I had it a little while ago, it's mine.
If I saw it first, it’s mine.
If it’s broken, it’s yours.
(author unknown)



Yan ang pananaw ng isang toddler. Naalala ko yan kanina habang nakikinig sa homily ng pari. Ganyan talaga mag-isip ang mga bata (toddler). Pero para sa mga adult, hindi na ganyan ang pag-iisip. Di ba?  Hmmm.. para sa iba, pero hindi para sa lahat… Dahil...


Hindi na batang paslit ang mga snatchers na patuloy na nanghahablot ng pag-aari ng iba. 

Hindi na batang paslit ang mga rapists. Ang hindi nila makuha sa santong dasalan ay dinadaan sa santong paspasan. 

Hindi na rin mga bata ang mga holduppers, thiefs, swindlers at iba pa. Pero  ang maisahan  at malamangan ang kapwa ang hangad nila. Hindi kaya  mas masahol pa sila sa mga toddlers? Tsk tsk tsk.

Dahil kaya yan sa sobrang kahirapan?  (pero hindi pa rin tama!). Madalas   yan ay dahil sa masasamang gawi, inggit, pagkamakasarili at kawalang respeto sa kapwa. Kaya ipinaalala ni Father kanina ang James 3:16.

Saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, maghahari rin doon ang KAGULUHAN at lahat ng uri ng MASAMANG GAWA. (Santiago 3:16). Ibig sabihin, kahit na makamit nila ang anumang bagay na ibigin nila ay sigurado na wala pa ring KAPANATAGAN at KALIGAYAHAN sa buhay dahil nasa puso at isipan na nila nakatanim ang kaguluhan!

Kung pwede lang sanang pakiusapan ang mga toddlers(??) na ito na maging patas naman ang laban. Matutong igalang ang buhay ng kapwa lalo na yung mga tapat na nagtatrabaho at nagsisikap para sa kapakanan ng kani-kanilang mahal sa buhay... Sana lang.. Sana.

Wag Bibitaw!

wag bibitaw tagalog poster

May siyam na buhay ba ang pusa? Di ko alam!

Naalala ko yung pusa namin. Nahulog mula sa taas ng tukador habang natutulog. Lakas ng lagapak! Lakas din ng ngiyaw!  Nasaktan yata ang mokong. Ilang saglit pa ay nakita ko na hirap na hirap lumakad! Kaladkad ang isang paa. Napuruhan yata at matindi ang pagkakabagsak. Marahil ay dalawang araw ding   walang ginawa kundi matulog. Pero pinipilit kumain. Patumba-tumba siya kung maglakad. Sabi ko “mahina na to, wala nang pag-asa at mamamatay na lang ito”.  Pagkatapos bigla na lang siyang nawala sa bahay. Mga tatlong araw ding hindi nagpakita. Naawa naman ako. Pero nagbalik sya! Paika-ika pa rin. Gusto ko ngang tanungin : “kailangan mo na ba ng saklay?” Hehehe.

Pero akalain mo sa ngayon, pagkatapos ng ilang linggo ay normal na muli ang kanyang paglakad at pagtakbo. Amazing! Parang walang nangyari! Kung nasabi ko nga na wala na siyang pag-asa pero lumaban pa rin! Hindi bumitaw! 

Yan siguro ang dapat na matutunan mula sa kanya. Aminado ako, minsan madali akong bumitaw (Ok madalas pala) Nagre-resign sa trabaho, sa mga gawain, sa mga organization na sinalihan ko at iba pa. Kapag nahihirapan ay umaayaw na agad ako. ‘Kung ayaw mo, wag mo!, Di ko ipagpipilitan! Lack of persistence di ba? at saka pride..Tsk tsk, mali talaga. Kaya dapat pag-aralan ang ganitong mga traits ng hayop. Persistent, fighter, they keep on going, they never give up, they never say die. Nagpapatuloy hangga’t kaya. Hindi bumibitaw. Madali? Hindi!! pero dapat na matutunan! Ang sabi ni Marilyn Vos Savant: Being defeated is often a temporary condition. Giving up is what makes it permanent. 

Wala Yan sa Lolo Ko

wala yan sa lolo ko

Nakakatawa kung minsan ang mga ganitong jokes. Payabangan. Pagalingan. Pero ang hindi nakakatawa ay ang labis nating pagkukumpara ng sarili sa iba. Siya ay mas maganda, mas mayaman, mas magaling, mas maputi...At naapektuhan tayo kung may nakahihigit sa atin. Ikinalulungkot minsan at ginagawa ang lahat para matapatan ang kapwa….sa pag-aakalang magiging mas masaya tayo. 

Ang totoo nyan ay iba-iba talaga ang tao. Hindi pare-pareho. Meron talagang ‘mas’ at ‘pinaka’. At yan ay may dahilan. May ‘purpose’ ika nga. ‘Acceptance’ lamang ang kailangan. Wala din namang mangyayari kung laging iku-compare ang sarili. Wala din namang mababago. Mas mainam na baguhin na lang ang sariling pananaw. We have to accept, appreciate and nurture the traits that we have and be happy anyway. 

Ngapala ...wala pa ring sinabi ang mga lolo ng batang yan sa lolo ko...  : )  hehe… 


==========================================

tagalog english comics strips



Alam Mo na Yun!

tagalog cartoon Alam Mo Na Yun

“Alam mo na yun!” Alam na daw natin.
Alam na natin kung anong gusto nating marinig. Hindi na natin kailangan pang itanong o marinig mula sa iba. Posibleng na-ikondisyon na natin ang sarili sa mga positibo o negatibong pananaw ukol sa sarili. Kaya kung nasanay tayo sa mga paniniwalang pangit, talo, bigo, walang pag-asa at iba pang negatibong kaisipan ay nararapat na palitan ito dahil kung hindi ay  dyan talaga ang patutunguhan natin.  Proper mind conditioning daw ayon sa mga eksperto kung nais nating magtagumpay sa buhay! Hmmm. hindi madali! Sabagay, sino nga ba ang unang dapat na maniwala sa sariling kakayahan at katangian kundi ang sarili. Kung di ka naniniwala, eh paano mo pa ma-co-convince ang iba? Tama nga din! Anyway, I guess it will be a lifelong learning kaya mas makabubuting matutunan na ito hanggang maaga!

Tanong sa Diyos

pagtatanong sa Diyos
Naalala ko lang ang simpleng joke na yan. Minsan kasi marami tayong prayer petitions na parang ‘forever’ bago dumating ang kasagutan. Yun bang tipong hindi ka na makapaghintay at naiisip mo kung “buhay ka pa kaya bago mangyari ang hinihiling mo”. Bakit nga kaya may mga tao na sadyang mabilis makuha ang mga prayer requests nila samantalang tila ‘nakatulog’ na yata ang Diyos kapag tayo naman ang humihingi? Naitanong ko lang naman. Alam ko naman na madalas na isasagot ng marami ang ganitong sagot mula sa Diyos: YES, or NO or WAIT. 

YES, ibibigay ko na sa iyo. 
NO, dahil may ibang mas makabubuti para sa Iyo o kaya’y 
WAIT, maghintay ka lang sa tamang panahon. 

Anyway isang poster message ang naalala ko. “Disappointments are just God’s way of saying, ‘I’ve got something better. So be patient, have faith and live your life.” Sabagay, sa halip na mainip at magmukmok sa kawalan ng kasagutan, mabuti pang magpatuloy na lamang. We need to be patient no matter what. We have to live our lives and we have to keep our faith. Otherwise, we will end up miserable. After all, only the good Lord knows what’s best for us.

Ngapala may  personal na kwento ako hinggil dito. Narito ang link.

Ang Ating Byahe


byaheng pinoy cartoon car

Kapag problemado ang isang tao, madalas napopokus lang siya sa sariling alalahanin at kung paano ito masu-solusyunan.  Di nya gaanong napapansin ang kalagayan ng iba na kung minsan ay may mas mabigat na dalahin  pala.

Naalala ko ang isang kwento. Si Peter na isang office executive ay nagpasyang magbakasyon sa beach para makapag-relax. Nais niyang mapag-isa at makapag-isip-isip dahil sa dami ng kanyang problema. Isang umaga ay naglakad- lakad siya  sa may dalampasigan. Napansin nya  na may  isang batang babae ang sumusunod sa kanya. Bagamat nais nyang umiwas ay kinausap nya ito sandali. Nagpakilala ang makulit at masayahing batang si Jenny.  Tila hindi siya nauubusan  ng mga tanong kaya’t   mabilis siyang nagpaalam sa bata. Sinundo naman ng isang babae ang bata.

Kinabukasan ay muling namasyal sa dalampasigan si Peter. Malalim pa rin ang kanyang iniisip. Maya-maya pa’y kasunod na rin nya si Jenny. Tulad nang unang pagkikita, sadyang  maraming  tanong ang bata. Kinausap nya sandali at naitanong  kung saan siya nakatira. Di rin nagtagal ay nagpaalam na siya.

Nang ikatlong araw ay nagbalik muli ang bakasyunista sa dalampasigan. Inaasahan na niyang lalapit sa kanya  si Jenny  subalit hindi ito nangyari.  Kung kailan  nais niyang  kausapin ang bata ay saka naman hindi ito nagpakita.

Huling araw na nya sa bakasyon at hangad nyang kahit sa huling pagkakataon ay maka-kwentuhan nang matagal ang bata.  Subalit hindi rin nakarating  ang kanyang inaasahan. Kaya’t ipinasya niyang puntahan ang tirahan ng paslit. Nakita nya ang lugar subalit ikinabigla at ikinalungkot ang nalaman mula sa isang katiwala:  “Isinugod po sa Ospital kahapon si Jenny, malubha po ang kalagayan niya.  May taning na kasi ang kanyang buhay at kailangan nang tutukan sa Ospital”

Halos hindi makapaniwala ang lalaki sa tinuran ng kausap. Hindi nya inakala na ang isang masigla at masayahing bata ay may malubha palang karamdaman. Magkikita pa kaya sila? Naitanong niya sa sarili. Posibleng hindi na. Umalis sya sa lugar na may paghihinayang. Kung alam lang niya na may taning na  ang buhay ni Jenny ay pinaglaanan nya sana ito ng kaunting panahon, pang-unawa at pagkalinga.    

Bakit Di Mabuksan Ang Pinto?

pinoy cartoon pull the door

Isang guro ang naglalakad patungong library. Malalim ang kanyang iniisip. Mga personal na alalahanin sa pamilya at sa trabaho. Nang marating na niya ang library ay ikinabig patulak ang pinto. Hindi ito nabuksan. Inulit pang muli at madiing itinulak. Hindi pa rin nabuksan. “Ano ba yan! Ang aga-aga sarado na agad ang library!”. Nayayamot na tinuran ng guro. Patalikod na umalis at nasalubong  ang isang bata na papunta rin sa library. Huminto siya at tumingin sa direksyon ng estudyante. Hinila ang pinto at kaagad na nakapasok sa loob. Muli niyang binalikan ang library.  Napansin ang nakalagay na karatula sa pinto - “PULL”.

Pilit din ba nating binubuksan ang pinto ng ating mga pangarap? ng ating mga pang-araw-araw na gawain? Pwersahang itinutulak na sa halip ay hilahin? Ganundin ako kung minsan. Pinagsisikapang  makuha ang mga bagay  sa sariling pamamaraan gayung mayron namang mas akmang paraan. Madalas ay napapagod sa paggawa at pag-iisip. At nagagalit kapag hindi ito naisakatuparan kaagad.  Kung pwede nga lang na matularan ang gawi ng mga bata na madalas ay pokus ang isip  sa kasalukuyang gawain at hindi binabagabag ng mga alalahanin. Simple lang ang hangarin at masaya ang pananaw sa hinaharap. Kung madali lamang na turuan muli ang ating mga sarili na laging magtiwala sa Diyos, mamuhay ng simple,  magpahinga kung kinakailangan at laging maging positibo sa anumang pagsubok. Sa ganitong paraan mas madali nating mabubuksan ang pinto ng mabuting bukas.   

Always take hold of things by the smooth handle. ~Thomas Jefferson

Every tomorrow has two handles. We can take hold of it with the handle of anxiety or the handle of faith. ~Henry Ward Beecher

Pick-Up Lines

Natuwa ako sa mga pick-up lines na narinig ko nung isang gabi kaya para maiba naman, pick-up lines ang naisip kong i-post sa ngayon.


pinoy pick-up lines

tagalog pick-up lines

cartoon pick-up lines

new pick-up lines

Wacky pick-up lines

Narito pa ang ilan:

May kilala ka bang gumagawa ng relo?  May sira yata ang relo ko. kapag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.

I lost my number, can I have yours?

Para ka palang seesaw? Kasi pag wala ka down ako…

Notebook ka ba? ... Please -Take note  Mahal kita.

Geometry ba ang favorite subject mo? Kasi kahit anong angle, ang ganda mo eh.

Sana exam mo na lang ako, para sagutin mo din ako.

Sana pareho tayong posporo, para match tayo.

Cleaning Time

powerful cartoon pinoy

Naglinis ako ng bahay kahapon.  Ngayon kailangan na namang magwalis. Kahit araw-arawin ko yata ang paglilinis ay sadyang hindi nauubos ang mga dumi. Wag ko na lang kayang linisin - kahit isang linggo lang! Pero pihado magmimistulang haunted house ang bahay namin. Dadami ang mga  gagamba, sapot at alikabok. 

Sa katawan kaya... Naligo na ako kahapon. Masubukan kaya na sa isang buwan na lang maligo uli? Ah sigurado, magkakaroon ako ng extra powers. Yun bang tipong papalapit pa lamang ako sa iba ay unti-unti na silang maglalaho na parang nakakita ng maligno. Yan ay dahil sa kakaibang powers na dala ko.

Question, ang kaluluwa’t isipan kaya ng tao ay kailangan ding linisin? Nadudumihan  nga rin ba ito sa pagdaan ng mga panahon? Nakapagpaparumi nga  kaya ang mga mahahalay na babasahin sa mga tabloids, magazines at porn sites? gayundin ang mga violent movies at iba pang mga di kaaya-ayang panuorin?

Pwede din di ba! At paano kaya malilinis ang mga ito? Regular prayers? meditation? pagsisimba? pakikinig sa Mabuting Balita? paggawa ng mabuti? posible din.  Hindi naman ako nagmamalinis o nagmamarunong, makasalanan din ako.  Pero  kung  tuwing Holy Week lang natin gagawin ang paglilinis ay baka maipon ang alikabok sa katagalan. Magiging makapal ang dumi at saka magiging sanhi ng pagkawala ng konsyensya. At para sa akin, ang buhay na walang konsyensya ay walang direksiyon. At ang buhay na walang direksyon ay naghahatid ng  kalungkutan. At sino nga ba ang may gusto ng miserableng buhay?

Anyway, napag-isip-isip ko lang yan habang nagwawalis. Hindi pa pala tapos ang aking walisin, tuloy ko muna.  

Be True

Ihagis sa ilog para lumutang ang plastik

Isang executive ang natanggap sa trabaho sa isang malaking kumpanya. Excited siya sa unang araw at dumirecho sa kanyang magarang opisina. Isang laborer ang papunta sa kanya na natanaw niya mula sa salamin ng dingding. Mabilis na dinampot ang telepono at saka sinenyasan ang lalaki na pumasok sa opisina. Pinaghintay sandali habang kunwari’y abala siya sa pakikipag-usap sa kabilang linya. “Oo pare, sampung malalaking accounts ang siguradong maipapasok ko sa kompanya at pihadong 20 milyon na agad ang kikitain. O sige, may kakausapin pa ako. bye” 

Ibinaba ang telepono, tumingin sa dumating na lalaki at saka tinanong, “What can I do for you?” Nagsalita ang laborer. “Sir, pinadala po ako ng Presidente ng kompanya, pwede ko na daw pong ikabit ang linya ng telepono.” 

Ano kayang naging reaksyon ng executive? Namula marahil sa kahihiyan. 

Napakahalaga sa isang tao ang pagiging truthful, down to earth at hindi mapagyabang. Naalala ko tuloy ang isang lider ng grupo na sinalihan ko ilang buwan lang ang nakararaan. Mapapahahanga ka sa kanyang mga sinasabi. Saludo ako sa kanyang concern para sa mga miyembro subalit nang magtagal na ay tila patalikod na binabanatan ang maraming miyembro. Minamaliit ang gawa ng ibang tao.  Akala ko’y napakagaling na lider. Sa simula lamang pala. Kapansin-pansin tuloy ang mga taong umiiwas din sa kanya. 

He is not wise to me who is wise in words only, but he who is wise in deeds. ~St. Gregory

It's not who you are, it's what you do that matters. ~Todd Cloutier 

Crab Mentality

pinoy crab mentality cartoons

Isang lalaki ang nagbebenta ng talangka. Sa tatlong magkakahiwalay na sisidlan nakalagay ang American, German at Filipino crabs. May takip ang dalawa samantalang nakabukas ang isa. Napansin ito ng isang mamimili at saka nag tanong. “Bakit po walang takip ang isang lalagyan? baka makawala ang nga talangka!”. “Ah hindi,” sagot ng tindero, Filipino crabs kasi yan. Kapag nakita ng isa na may paakyat, siguradong may hahatak sa kanya pababa”. 

Hmm. Crab mentality. Marami daw sa mga Pinoy ang ganyan. Hindi nagiging masaya sa tagumapy ng kapwa kaya’t nanghihila pababa. Ako man ay nakaranas nito. Pero nararapat nga bang ikainggit ng tao ang mga pagpapalang tinatanggap ng iba? Ayon sa isang article na nabasa ko, mas makabubuting pangang ikatuwa natin ang tagumpay ng iba sa halip na ikainggit ito. Bakit kaya? Ang positive vibrations ng taong masaya ay nasasagap natin at naa-attract sa atin ang good vibes. Ito ang maghahatid sa atin ng sigla. Sa madaling salita, tayo man ay makatatanggap ng biyaya.

Do not get envy of others success. Be just as enthusiastic about the success of others, as you are about your own success. Envy is the root of all evils. It burns you from within. ~author unknown

Wherever there is jealousy and rivalry, there is disorder and every kind of evil. ~James 3:16

Maagang Pagbati sa Kapaskuhan

Pinoy Christmas carolers


Sa Pinas, Ber months pa lang ay makaririnig na tayo ng mga Christmas carols. Maaga ang simoy-Pasko sa atin bagamat sadyang hindi natin maiiwasan  ang pagdating ng mga kalamidad sa panahon ng Kapaskuhan. Gayunpaman, nais kong ipaabot ang aking maagang pagbati para sa lahat: Nawa'y maging makabuluhan, masigla at puno ng pag-asa ang Pasko natin! Nawa’y tunay na madama natin ang ligaya sa puso at kapiling ang mga mahal sa buhay!     

Emosyon

pinoy sad cartoon

Linggo ng umaga, maulan... I’m not feeling well, may konting lagnat, ubo at sipon. Nakakatamad bumangon. Naisip ko: Di ako lalabas ng kwarto. Walang gagawin. Mahihiga sa maghapon. Di mag-oopen ng PC. Di aalis ng bahay. Hahayaan kong maghanap sila sa akin..Di naman ako kawalan…oops self-pity? Hehe.. Pero sa isip ko lang iyon, because here I go again typing in front of the computer. 

Sometimes, waking up in a bad mood is but normal… Ang hindi normal ay ang manatiling 'down' sa buong maghapon. Somehow, we need a mental shift from negative to positive. Kailangang labanan ang ‘gloom’ or else ma-aattract pa lalo ang mga negative vibes. Ayon sa  isang unknown author     ‘To think negatively is like taking a weakening drug.’  Parang naka-drugs na nagpapahina. Kaya kailangang bumangon, kumilos, magpatuloy at sikaping maging positibo.

But then it doesn't mean we have to pretend that everything is okay. Gayung hindi naman talaga. We have to feel the emotion at one time or another and then somehow let it go. Bo Sanchez said it well. ‘Whenever you feel a negative emotion, BE ALONE in a room and just sit down with it and feel. ~ DON'T JUDGE IT, CRITICIZE IT, INTELLECTUALIZE IT, EXPLAIN IT AWAY. Allow yourself to feel the pain. It's okay... Accompany it - breathe into it - and after a while, you'll feel the anger or fear or sadness lose it's urgency and power. Allow God to tenderly embrace you in your pain. And then, at the right time, YOU CAN LET GO.

Ang Pagtanda

September na. Ber na pala. Grabe, magpapasko na naman! Ang bilis ng panahon! Mabilis ding magka-edad ang tao. Hay!!, if we could only go back in time. Para mas bata, mas cute hehe… People always want to look and feel young. Syempre. Naalala ko tuloy ang isang book na ilang beses ko nang nabasa. Pinanood ko din ang movie version nito ~ ang Tuesdays with Morie. Naging topic ng mga character ang pagtanda ng tao. Si Morie sa kabila ng kanyang katandaan ay nagsabing. ‘We should embrace aging...’ Ows, bakit kaya? Isina-komiks ko yung ‘thought’ ng usapan nila.

ang pagtanda, aging comics, pinoy

Sabagay, may tama din! Kung naging satisfied ka naman sa iyong byahe sa lupa. Kung naging fulfilled ka naman, you don’t have to regret growing old…and you should embrace wisdom. Kaya nga habang may pagkakataon pa tayong ayusin at baguhin ang mga dapat isaayos, then go. Para in the end, masasabi pa rin nating ‘I had a great journey.. I am fulfilled and satisfied. But if given the chance I will continue to move forward..and learn  ..even if I grow old!” 

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...