Habang nagwawalis ako kaninang umaga, napansin ko ang mga mabibintog na bunga
ng mangga. Nakalaylay sa mga sanga. Kay gandang pagmasdan. Mabuti na lamang at
marami pa ring nanatili sa puno sa kabila ng mga bagyong dumaan at pabugso-bugsong
hangin sa ngayon. Sandali
akong pumasok ng bahay, kinuha ang camera at saka pinicturan. At least pang souvenir man lang kung sakali mang magtuloy ang panibagong bagyo ('low pressure' pa lang naman).
Napagtuunan ko rin ng pansin ang katabing puno. Ang sunkist na itinanim
ni Tatay. Di kadalasang nabubuhay ang mga ganitong prutas sa isang tropical na bansa gaya ng Pilipinas subalit nakapagpabuhay muli ng
isang puno si Tatay. Natatandaan ko na mga bata pa kami nang mabuhay ang isang ganitong puno sa tabi ng lumang bahay namin. Andami at kay tamis ng bunga subalit di ito nagtagal at namatay din. At sa ngayon sa ikalawang pagkakataon ay naging
mayabong muli ang isang puno. Napakarami ng kanyang bunga. Matatamis at mabibintog. Yun nga lang
sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalalagas ang mga dahon. Natutuyo ang katawan. Nagbunga man siya ng
marami nitong mga nagdaang taon ay tila yata nagbabadya na ng pamamaalam.
Sabagay ganyan naman talaga ang buhay. Tao man o halaman - may simula at
may wakas. Pana-panahon din lamang. Minsan hitik, minsan natutuyo. Nais man naming
mapanatili ang kanyang pagyabong pero sadyang darating ang panahon ng tagtuyot. Kaya nga marahil dapat lang na ipagpasalamat ang lahat ng bagay habang nariyan pa at pinakikinabangan. Pagyamanin. Alagaan. Pahalagahan. Sapagkat sinuman ay hindi makasisiguro kung hanggang kailan
ang kanyang dalang biyaya.
Panibagong taon na nga pala. Nawa'y sikapin din nating simulan ang ating mga adhikain na may positibong pananaw at patuloy na pag-asa sa isang masaya at mapagpalang hinaharap.
Panibagong taon na nga pala. Nawa'y sikapin din nating simulan ang ating mga adhikain na may positibong pananaw at patuloy na pag-asa sa isang masaya at mapagpalang hinaharap.
Seize the moments of happiness, love and be loved! That is the only reality in the world, all else is folly. It is the one thing we are interested in here. - Leo Tolstoy
Ganda ng message niya... tama ka hindi natin masabi kung hanggang kailan sariwa ang lahat ng bagay... katulad ng puno may panahong hitik sa bunga at may time na unti unting nalalagas ang mga dahon...
ReplyDeleteYakapin daw ang puno para muling mabuhay -- un ang paniniwala ng iba hehehe
Happy Happy New Year!
Naks, talagang bawat post mo ay laging may inspirational message na kalakip. Happy 2013 and hope all of us would have a fruitful year ahead!
ReplyDelete*sabay pitas ng mangga* :D
Sige Fiel, pitas ka na haha... Happy 2013 din!
ReplyDeleteJonDMur, ganun ba yun, teka, mayakap muna hehe!
ReplyDeleteganda ng mensahe, napapanahon. Nakakita na din ako ng puno ng sunkist na tumutubo dito sa bansa ng minsang bumyahe kami pa norte!, sana may mapatubo pa rin kayong panibagong halaman!
ReplyDeleteMaganda ang mensahe, Tamang tama sa nakalipas na taon at sa bagong taon. Hindi pa ko ako nakakakita ng puno ng sunkist. Kala ko wala din nyan nabubuhay sa Pinas. Pero kahit ganun pa man kinaya nya paring mabuhay kahit sa lugar na tila mahihirapan sya. :)
ReplyDeleteYes, Archie & Nong, napakadalang yata ang nabubuhay na ganitong puno dahil sa gusto nila ng malamig na klima. isa pa, pabagu-bago minsan ang klima sa Pinas gaya siguro ganyan. Anyway, nakapamunga naman siya kahit papaano. Salamat sa pagdaan!
ReplyDeleteme low pressure din dito samin. agree ako don sa message.
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita Phioxee! Happy New Year!
ReplyDeleteSabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather-weather lang...
ReplyDeleteLet's enjoy life... It is too short to be wasted with too much negativities and alike...
Ganun.
Well written ang post na ito...Galing ng kamay ni Tatay magbuhay ng puno...
Ang sarap ng mangga haha! Tulad ng sabi mo este ni Tolztoy, seize the moment talaga. Very inspiring post!
ReplyDeletePengeng mangga! :))
ReplyDeleteAt parang sa entry ko pala ito, may simula at may wakas! Promote? HAHAH! Ngayon ko lang pala nailagay to sa blog roll ko. Kaya ngayon ko lang nadalaw! ^_^
Now...
searching folly...
yes, kuha na kayo ng mangga haha! Salamat sa pagbisita! Dalaw din ako later today!
ReplyDeletenakaka inspire! lalo na ngayong bagong taon. more power to you, ric! :)
ReplyDeletesalamat sa pagbisita shiela!
ReplyDelete