Ang buhay ay parang jigsaw puzzle. Binubuo isa-isa. Hindi sabay-sabay. Gayundin ang mga problema, nakaka-praning kung pagsasabay-sabayin.
Huwag masyadong mag-alala sa iniisip ng iba. Hindi lang ikaw ang naiisip nila. Unfair naman kung lagi mo silang naaalala ngunit di ka naman mahalaga para sa kanila.
Matinding kalaban ang inggit. Isipin mo na lang na minsan ay nauuna ka, minsan nahuhuli. At sa bandang huli'y ikaw din ang makapagpapasaya sa sarili.
Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ang mahalaga'y umuusad ka na mas lamang ang saya!
Ang mga kaibigan ay dumarating…at umaalis...at may nagbabalik. Pahalagahan ang mga nananatili. Sa iyong pagtanda, sila ang mga pabaong maghahatid ng magagandang ala-ala.