“Wag na wag kang bibitaw sa akin. Baka mawala ka. Napakaraming tao dito sa mall” Ang mahigpit na bilin ng isang ina sa kanyang limang taong gulang na anak. “Naiintindihan mo ba? Kumapit ka lang sa akin. Kumapit ka sa palda ko. Wag kang bibitaw!” “Opo!” ang sagot ng bata.
Palibhasa’y malapit na ang Pasko, hindi na magkamayaw ang mga mamimili. Patuloy na dumagsa ang mga tao. Pagkaraan ng ilang minuto, humahangos ang ina sa kinaroroonan ng isang guwardya. Naiiyak na nagtanong. “Mamang guwardiya...may nakita ba kayong batang babae? Nawawala po ang aking anak... May hawak po siyang palda!”
Joke lang! Mula yan sa isang talk na narinig ko kay Bo Sanchez. Nakakatawa pero may mensahe para sa atin. Sa ating buhay, marami tayong kinakapitan – trabaho, kabuhayan, mga materyal na bagay, mga alalahanin at kung anu-ano pa. Syempre, kailangan natin ng ‘sense of security’ sa buhay. Mahalaga ang mga ito para sa kinabukasan natin at ng pamilya.
Yun nga lang, madalas ay sa palda tayo kumakapit. Ang palda ang tanging inaasahan. Nalilimutang kumapit sa may-ari ng palda. I mean duon sa tagapag-provide ng mga pangangailangan natin - ang Diyos. Ang Diyos na higit na nakakaalam ng mga bagay-bagay na makabubuti para sa atin.
Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing. ~John 15:5






