Ang Tupa

hindi ako black sheep
Isang kwento na may magandang aral ang nabasa ko. Ito ay ukol sa mga tupa. Kagaya ng ibang hayop, ang mga tupa ay mahilig magliwaliw at magpunta sa mga lugar na may sariwang pagkain. Minsan, ang isang tupa ay napadpad sa tabi ng bangin. Hinanap siya ng kanyang pastol, at nakita siyang nasabit sa mga kahoy  sa may gilid ng bangin. 

Pinuntahan siya ng pastol subalit hindi kaagad lumapit. Alam niya na  sa kanyang paglapit, ang tupa'y manlalaban pa. Posible na ito pa ang maging dahilan ng pagkahulog  sa bangin. Kaya’t naghintay ang pastol na mawalan ito ng lakas upang sa kanyang paglapit ay maamo na ito. Sinagip siya ng kanyang amo, niyakap at saka sinabing  ‘Huwag kang magpakalayo sa akin!’ 

Gayundin ang pamamaraan ng Diyos sa atin. Minsan, lumalayo tayo sa Kanya at dumaranas ng matitinding pagsubok. Pero kagaya ng tupa, naghihintay lamang Siya na tayo ay magpakababa para sa Kanyang paglapit ay kikilalanin natin Siya. Sapagkat wala tayong mararating at walang magagawa kung tayo’y mahihiwalay sa Kanya.

Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing. ~John 15:5

Buhay ay Pagtatanim

Kabutihang iyong itinanim, 
Pihadong aanihin. 
Di man agad dumating, 
Bawat araw mo’y pagpapalain.
~Kartun Netbuk

Nagkwento si Tatay. Nuong araw kapag may manggang hinog na pasalubong si Lolo ay pinaghahati-hatian nilang magkakapatid. Hahatiin ang dalawang pisngi at sa isa naman ang bandang gitna. At masaya silang kakain. Sa ngayon, lalo na sa kapanahunan ng mangga ay hindi na namin kailangan pang hatiin ang prutas. Kahit tig-iilan kami, ok lang. Hindi dahil sa ‘rich’ na kami kundi dahil sa namumunga na ang maraming puno ng manggang itinanim ni Tatay nuong kabataan niya. Kaya nga kahit na ang mga kasunod na henerasyon namin ay makikinabang din dito. 

Ang buhay ay tulad ng pagtatanim. Hindi mo mapakikinabangan kaagad ang mga punlang itinanim. Bagkus ay sa pagdaan pa ng mga panahon. May mga pagkakataon pa ngang hindi na ikaw ang makikinabang sa bunga. Subalit ang mahalaga ay ang pagpupunyaging makapagpunla at makatulong sa iba. 

Naalala ko ang isang kwento. Isang matandang lalaki ang abalang nagtatanim ng punongkahoy. Nakita siya ng isang mas nakababatang lalaki. Lumapit sa kanya at saka sinabing. “Lolo, nagtatanim pa kayo ng puno. Eh kahit na abutin pa kayo nang mahigit sampung taon ay hindi nyo na mapakikinabangan ang mga bunga nyan!.” Mabilis namang tumugon ang matanda. “Ginoo, matanda na nga ako.. at sa edad ko ay marami na rin akong nakaing bunga na hindi naman ako ang nagtanim. Hayaang mong sa pamamagitan ng pagtatanim ko sa ngayon ay maibalik ko ang grasya sa mga susunod pang henerasyon.” Hindi na nakakibo ang ginoo. 

Life is a gift, and it offers us the privilege, opportunity, and responsibility to give something back by becoming more. ~Anthony Robbins 

…for whatever one sows, that will he also reap. ~Galatians 6:7

buhay ay pagtatanim cartoon tagalog

Ako Matatakot sa Iyo?

pinoy cartoon dog and cat
Nakita ako ng pusa namin nang padating ako mula sa kabilang bahay. Alam nitong bitbit ko ang pagkain para sa kanya kaya’t malayo pa’y patakbo na itong sumalubong. Subalit sa paglapit nito ay isang aso ang humarang sa kanya at tipong galit o nananakot. Hindi natinag ang pusa at wari’y hinarap pa siya. She looked straight into the dog’s eyes. Kapagdaka’y umalis din ang aso. Nag-isip ako, ano kayang sinabi ng pusa sa aso? ‘Oops, akala mo ba matatakot ako sa iyo?, go away or I’ll kick your ass! hehe.. 

Simpleng lesson ang na-realize ko. Hindi komo mas malaki sa kanya ang aso ay ikatatakot na nya. Sa halip na kumaripas ng takbo ay tumigil pa sya. Hinarap nya ito – eye to eye! Hmm tayo kaya? Kapag may danger o pagsubok sa atin, ganundin kaya ang magiging unang reaksyon natin? Hindi kaya magpanic agad tayo? O kaya kung may mabibigat na alalahanin, Ok lang bang gawing shock absorbers ang good time, alcohol, vices at iba pa? Tanong lang…mahirap sagutin pero kagaya ng pusa, sana ay humarap tayo straight into the problem’s eye at saka sasabihing ‘Akala mo ba matatakot ako sa iyo?

Live in the Moment!

pinoy cartoon, simpleng saya

Naglalakad ako pauwi galing bukid isang umaga. Naririnig ko na tumutugtog ng drums ang aking pamangkin mula sa second floor ng kanilang bahay. Masaya ang drumbeat. Napatingala ako at hindi ko alintana ang mga batang kasalubong ko. Nang malapit na sa akin ang anim na bata, (may edad 4 hanggang 6) ay napatingin ako sa kanila. Masaya sila. Nakangiti at umiindayog sa saliw ng musikang naririnig din nila habang naglalakad. Seryoso ako at hindi ko pinansin ang mga reaksyon nila… subalit tila nakakatuwa ang mga hagikhikan nila habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Patuloy na umiindayog sa tugtog. Di nagtagal ay napangiti na rin ako sa kanila! Lalo pa yatang ginanahan sa pagsayaw!

Tingnan mo nga naman – mga batang walang pakialam sa saloobin ng ibang tao basta masaya sila. Period. Medyo malayo na ako nang maisip ko ang ilang katagang wari’y nasa isipan ng mga batang yaon. 

“Who cares about the world?” ”Who cares who’s looking!” ”Who cares what people may say!” ”We are happy! and we will dance, and smile, and live, anyway!” 

Tama nga naman. Live in the moment. Minsan, masyadong seryoso tayo sa buhay at nalilimutan na ang mga masasayang simpleng bagay! Take time to smile. Live in the moment. 

Habang itinatype ko ito ay naalala ko ang sinulat ni David MacCasland: 

“The thread of living one day at a time is woven throughout the fabric of Scripture. God supplied the Israelites with manna daily and our heavenly Father’s mercies are new every morning. Let us refuse to worry about tomorrow.” 

Yes, learn to live at the moment. I think, it is a lesson we seem to learn with difficulty, but it will definitely hold the key to life and peace. Live in the moment. My life is today!!!

Patama

A tongue has no bones but it is strong enough to break a heart. 
Be careful with your words.

nagpaparinig pinoy tagalog cartoon

Pag-open ko  ng facebook kaninang umaga ay bumulaga sa akin ang maraming “discouraging status” mula sa ibang mga “friends” ko (daw?). Mga hindi kaaya-ayang mensahe para sa mga unknown people. Naitanong ko sa sarili. May pinatatamaan ba sila? Para sa akin ba iyon? O Para sa ibang tao? Deadma ko na lang… 

Para sa akin, I would rather choose to uplift someone rather than to inflict “hurt or pain”, intentionally o unintentionally.

Sa mga pagkakataong may sinadya tayong patamaan ay posibleng hindi natin sila “pinatay” physically pero posible din na “ikinamatay” na rin ng kanilang “ispiritu” ang mga salitang ito. Posibleng nasaktan, nalungkot at nawalan ng gana sila sa araw na iyon. Sa madaling sabi, “murderer” ka pa ring matatawag. 

Bakit hindi na lang kaya derektang sabihin sa kapwa? o magpaalala? sa halip na magpatama o kaya'y tumahimik na lang. Anyway, hindi ko rin alam ang sitwasyon nila. Heto ang ilang verses na magandang paala-ala.

He who guards his lips guards his life, but he who speaks rashly will come to ruin. ~Proverbs 13:3 

“So encourage each other and build each other up, just as you are already doing.” ~1 Thessalonians 5: 11 


Sinagip ng Isang Ngiti

Dahil sa mabigat na alalahanin, isang lalaki ang nagplanong tapusin  na ang kanyang buhay. Tangan ang kanyang planong tumalon mula sa isang mataas na tulay, siya ay lumabas ng bahay. Habang naglalakad, naitanong nya sa kanyang sarili 'May maghahatid pa ba sa akin ng pag-asa?". At tila  may kasagutan sa kanyang tanong. Nakasalubong niya ang isang batang nakangiti   sa kanya. Marahil napansin ng bata ang kalungkutan sa kanyang mukha. Siya ay napahinto. Muling nag-isip. At saka tinahak ang daan pabalik sa kanyang tirahan. Hindi na nya itutuloy ang planong pagpapatiwakal bagkus ipinasyang ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka sa buhay.  

smiley tagalog
Sinagip siya ng isang ngiti! Smile ministry nga raw ang tawag duon. Miyembro ka  rin ba ng 'Smile Ministry?"  Hindi mo alam baka ang iyong ngiti ang  makapagpapabago sa desisyon ng isang makakasalamuha  mo sa ngayon. 

Isang Bible verse ang naalala ko... 

How beautiful .. are the feet of those who bring good news ~ Isaiah 52:7

gayundin ang quote mula kay H. Jackson Brown Jr.: 'Today, give a stranger one of your smiles. It might be the only sunshine he sees all day.' 



Laging Galit, Pumapangit!

Ito ay kwento ni Fr. Alex mula sa kanyang homily. Isang  karansan niya sa pagtuturo sa isang exclusive school.

Unang araw pa lamang ay may isang estudyanteng lalaki na pumasok padabog sa kanyang klase. Hindi na lamang niya pinansin subalit sa mga sumunod na araw ay ganuon pa rin ang kanyang attitude. Isang beses ay sinipa pa nito ang kanyang table sa unahan. Hindi na ito pinalampas ng pari at saka nagsalita. “Ang bilang ng mga estudyante ko sa eskwelahang ito ay limampu . At sa isang araw ay sampung piso lamang ang tinatanggap ko sa bawat isa. Lumapit siya sa “spoiled” na estudyante at sinabing “Iho, heto na ang P10, pwede ka nang lumabas sa aking klase ngayon, hindi na kita sagutin sa araw na ito.” Lumabas naman ang estudyante.

ang taong laging galit pumapangit cartoon
Nang sumunod na araw ay lumapit naman ang estudyante sa pari, humingi ng “sorry” at tinanong kung maaari siyang makausap. Pumayag naman ang pari. Nagkwento ang estudyante at nalaman nya na nagmula ang bata sa isang broken family. Iniwan sila ng ama at ang ina naman ay nahuhumaling sa kanyang D.I. (Dance Instructor). Sa murang edad ay nagkaroon siya ng dalawang anak sa magkaibang babae. Nalulon din siya sa droga. At saka sinabi ng estudyante “WALANG HIYA sila!, Walang hiya ang mga magulang ko!. Sinira nila ang buhay ko.”… Sumagot naman ang pari, “TANGA ka pala eh!” (Garapal daw kasi kung magsalita ang bata kaya tinatapatan lang niya ang lengguwahe nito). “Alam mo nang ginago kayo ng mga magulang nyo at anong ginagawa mo sa sarili mo?, GINAGAGO mo rin!!!” Medyo na-shocked ang estudyante pero patuloy pa rin syang nakinig. “Alam mo may GALIT SA PUSO mo kaya anong nangyayari sa iyo? ikaw ay PUMAPANGIT!!!, PUMAPANGIT din ang buhay mo!! Nasa tamang pag-iisip ka na para IWASTO ang sarili mo, Ayusin mo ang BUHAY mo!” Patuloy na nagbigay ng payo ng pari at patuloy ding nakinig ang estudyante . Hindi naging madali para mapagbago ang estudyante subalit nagkaroon na nang kaunting PAG-ASA para sa kanya. Sinabi pa ng pari.. “Alisin mo na ang galit sa puso mo, tandaan mo, kapag ang isang tao ay LAGING GALIT, siya ay PUMAPANGIT!”

Uulan, Aaraw..

Ilang araw na ring nag-uuulan. Laging basa ang paligid at mataas ang level ng tubig ng ilang lugar. Sa ngayon, panandaliang sumilip ang araw kaya't kanina lang ay nanungkit na ako ng ilang mangga. Habang nakatingala ay natatanaw ko ang maaliwalas na sikat ng araw. Ayos! Pero panandalian lang ito. Panigurado, babagsak na muli ang ulan sa hapon. Sabagay ang mahalaga sa ngayon ay ang maaliwalas na sandali.

umulan umaraw cartoon

Ganyan talaga, minsan uulan, minsan aaraw. Subalit bawat panahon ay mahalaga. Nararapat na ipagpasalamat. Ngumiti kahit na minsan ay may kalungkutan. Tumayo sa bawat pagkadapa at umasa pa rin sa magandang bukas. Patuloy man  ang pag-ulan, pasasaan ba’t  titila din yan. 

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...