Halos araw-araw ay naririnig ko ang awit ng mga ibon sa may bintana ng aking kwarto. (Palibhasa’y maraming puno sa paligid ay ginawang tambayan ang mga sanga.) May isang uri nga ng ibon na tila hindi nagsasawa sa iisang tono. Saulo ko na nga ang melody. Madalas ay sinasabayan ko na rin. Natutuwa lang ako sa mga damuho... Di yata nila alam ang kahulugan ng salitang ‘kalungkutan’. Huni dito. Awit duon. Lipad. Laro. Taguan...Patintero…. Walang pakialam sa mga kaganapan sa paligid. Masaya na hinaharap ang bawat mga araw. Kapag umuulan, e di tahimik muna sila pero kapag maaraw na naman ay patuloy na uli sa ‘good time!’. Kung hanggang kailan ang kanilang pamamayagpag, ay wala silang pakiaalam. Basta mag-eenjoy sila hanggang may hininga. Relax lang sila. Naiisip kaya nila ito?
Look at the birds of the air; they do not sow
or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are
you not much more valuable than they? Can
any one of you by worrying add a single hour to your life? ~Matthew 6:26-27