Masasayang Ibon . . .

Halos araw-araw ay naririnig ko ang awit ng mga ibon sa may bintana ng aking kwarto. (Palibhasa’y maraming puno sa paligid ay ginawang tambayan  ang mga sanga.) May isang uri nga ng ibon na tila hindi nagsasawa sa iisang tono. Saulo ko na nga ang melody. Madalas ay sinasabayan ko na rin. Natutuwa lang ako sa mga damuho... Di yata nila alam ang kahulugan ng salitang ‘kalungkutan’. Huni dito. Awit duon. Lipad. Laro. Taguan...Patintero…. Walang pakialam sa mga kaganapan sa paligid. Masaya na hinaharap ang bawat mga araw. Kapag umuulan, e di tahimik muna sila pero kapag maaraw na naman ay patuloy na uli sa ‘good time!’. Kung hanggang kailan ang kanilang pamamayagpag, ay wala silang pakiaalam. Basta mag-eenjoy sila hanggang may hininga. Relax lang sila.   Naiisip kaya nila ito?
look at the birds in the air
Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?  Can any one of you by worrying add a single hour to your life? ~Matthew 6:26-27  


Ang Turnilyo


Kahapon sa halip na magcomputer ay binago ko ang routine ko.  Naglinis ako ng bahay. Naghakot ng ilang mga gamit mula sa dating bahay namin kasama ang aking computer table.  Dinis-assemble ko para mas madaling buhatin at saka in-assemble muli pagdating.  Habang abala sa pag-aassemble, napansin ko na kulang ng isang turnilyo. “Ok lang, isang maliit na bagay  lang iyon.” Ang sabi ko sa sarili.  Pero nang matapos ko ang table ay medyo pauga-uga ang isang bahagi nito. Kasi nga kulang ng isang turnilyo.  Ayun, naghanap tuloy ako ng isang akmang turnilyo. Naabala pa tuloy sa paghahanap.  Akalain mo yun, isang napakaliit  at tila walang kwentang bagay  ay may silbi pala!

Minsan marahil ganyan din ang tingin natin sa sarili. Sino nga ba naman ako kung mawawala? Hindi naman ako kawalan. May magagawa ba naman ako?  - Mga katagang minsan ay nasasabi ko rin. Subalit gaya ng isang turnilyo ay mayroong halaga.. May kabuluhan at kadahilanan kung bakit nilikha. (Ooops, ang  seryoso ko naman. Haha!)  Anyway, isipin na lang natin na tayo man ay katulad  ng isang turnilyo. May function  kung talagang nanaisin. Gaya din ng isang key sa  keyboard na kung mawawala  ang isa ay sadyang mahirap  basahin kagaya nito:
(Note: late post, nai-type ko na ito before Christmas pero di ko maasikasong mai-post until now... hehe)


Simula at Wakas

puno ng mangga

Habang nagwawalis ako kaninang umaga, napansin ko ang mga mabibintog na bunga ng mangga. Nakalaylay sa mga sanga. Kay gandang pagmasdan. Mabuti na lamang at marami pa ring nanatili sa puno sa kabila ng mga bagyong dumaan at pabugso-bugsong hangin sa ngayon.   Sandali akong pumasok ng bahay, kinuha ang camera at saka pinicturan. At least pang souvenir man lang kung sakali mang magtuloy ang panibagong bagyo ('low pressure' pa lang naman). 

Napagtuunan ko rin ng pansin ang katabing puno. Ang sunkist na itinanim ni Tatay. Di kadalasang nabubuhay ang mga ganitong prutas sa isang tropical na bansa gaya ng Pilipinas subalit  nakapagpabuhay muli ng isang puno si Tatay. Natatandaan ko na mga bata pa kami nang mabuhay ang isang ganitong puno sa tabi ng lumang bahay namin.  Andami at kay tamis  ng bunga subalit di ito nagtagal at namatay  din. At sa ngayon sa ikalawang pagkakataon ay naging mayabong muli  ang isang puno. Napakarami  ng kanyang bunga. Matatamis at mabibintog. Yun nga lang sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalalagas ang mga dahon. Natutuyo ang katawan. Nagbunga man siya ng marami nitong mga nagdaang taon ay tila yata  nagbabadya na ng pamamaalam.

Sabagay ganyan naman talaga ang buhay. Tao man o halaman - may simula at may wakas. Pana-panahon din lamang. Minsan hitik, minsan natutuyo. Nais man naming mapanatili ang kanyang pagyabong  pero sadyang darating ang panahon ng tagtuyot. Kaya nga marahil dapat lang na ipagpasalamat  ang lahat ng bagay  habang nariyan pa at pinakikinabangan.  Pagyamanin. Alagaan. Pahalagahan. Sapagkat sinuman ay hindi makasisiguro kung hanggang kailan ang kanyang dalang biyaya. 

Panibagong taon na nga pala. Nawa'y sikapin din nating simulan ang ating mga adhikain na may positibong pananaw at patuloy na pag-asa sa isang masaya at mapagpalang hinaharap.   
Seize the moments of happiness, love and be loved! That is the only reality in the world, all else is folly. It is the one thing we are interested in here. - Leo Tolstoy


Welcome the New Year 2013

Bilang na ang oras. Saglit na lamang at iiwan na natin ang taon ng 2012. Mapapalitan na muli ang mga kalendaryo. Simula na naman ng panibagong kabanata. Sabagay magpapalit lamang naman ng taon at posibleng ganuon pa rin ang mga gawain natin. Unless pipiliin natin ng ‘major overhaul’ (..na aking pinag-iisipin din. Paano kaya?) Anyway, anuman ang ating piliin at tahakin (ang lalim na tagalog noh), hiling ko sa Maykapal ang patuloy na kalakasan, kasiglahan, kapayapaan at kasaganaan para sa bawat isa gayundin para sa ating mga mahal sa buhay. Keep safe! Manigong Bagong Taon! Let us Welcome 2013 with cheers and gladness!

Matapos ang Pasko

Malungkot ang umaga.
makulimlim, malamig, tahimik…
Ganyan talaga siguro pagkatapos ng mga masasayang okasyon kagaya ng Pasko. Pero bukod pa dito, hindi talaga maganda ang lagay ng panahon lalo na sa Visayas at Mindanao na kung saan kasalukuyang nananalasa si Quinta (bagyo). Di naman siya ganung kalakas pero may mga casualties na din. Nakataas pa rin ang Signal Number 1 at 2 sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kalungkot naman. Hindi pa man nakakabangon dahil sa delubyong inihatid ni Pablo ay heto pa ang isa.
sa may bintana
Kuha sa tapat ng aking bintana ngayong umaga

Sa personal level naman, nakapagpapa-down din sa isang tao ay ang mga expectations na hindi nangyari nitong nakaraang season. Sabagay ganyan naman talaga ang buhay. Hindi lahat ng mga inaaasahan natin ay natutupad. Ipagpasalamat na lamang ang mga na na-accomplished. Ang buhay ay isang roller coaster ride. Tataas-bababa. Magpasalamat sa mga pagkakataong nasa itaas at namamayagpag. Pero dapat ding ipagpasalamat ang mga panahon ng kawalan at kalungkutan. Hindi naman masamang magdamdam. Mag-isa... mag-isip... malito...o magtanong. Huwag lamang manatiling nakalugmok at nagmumukmok. Kailangang munang magpahinga at later ay bumangon. Hindi naman mananatili ang bagyo, bagkus daraan din lamang. Pahalagahan na lang ang mga natutunan habang nararanasan ang ulan at umasa na sa mga susunod na panahon ay sisikat ang araw.
Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus. ~ 1 Thessalonians 5:18

Selling lanterns on the streets...


Natawa ako sa nabasa ko nung isang araw. May mga batang carolers na kumanta na ganito ang kanilang lyrics:
pinoy carolers selling lanterns
Di ako sigurado kung seryoso ang mga batang yan. Kung sakali man ay sadyang nakakatawa. Kahit ako at madaling makasasaulo ng lyrics na yan. By the way, malamig na talaga ang simoy ng hangin. At wari’y kay saya ng bawat damdamin. Ang tibok ng puso sa dibdib. Para bang hulog na ng langit. Teka, lyrics din yan, napaawit lang at nais  bumati sa lahat ng 'Maligayang Pasko!' Nawa’y maramdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko! Patnubayan nawa tayo ng Panginoon!

Kumapit Ka Lang!

pinoy cartoon
“Wag na wag kang bibitaw sa akin. Baka mawala ka. Napakaraming tao dito sa mall” Ang mahigpit na bilin ng isang ina sa kanyang limang taong gulang na anak. “Naiintindihan mo ba? Kumapit ka lang sa akin. Kumapit ka sa palda ko. Wag kang bibitaw!” “Opo!” ang sagot ng bata. 


Palibhasa’y malapit na ang Pasko, hindi na magkamayaw ang mga mamimili. Patuloy na dumagsa ang mga tao. Pagkaraan ng ilang minuto, humahangos ang ina sa kinaroroonan ng isang guwardya. Naiiyak na nagtanong. “Mamang guwardiya...may nakita ba kayong  batang babae? Nawawala po ang aking anak... May hawak po siyang palda!” 

Joke lang! Mula yan sa isang talk na narinig ko kay Bo Sanchez. Nakakatawa pero may mensahe para sa atin. Sa ating buhay, marami tayong kinakapitan – trabaho, kabuhayan, mga materyal na bagay, mga alalahanin at kung anu-ano pa. Syempre, kailangan natin ng ‘sense of security’ sa buhay. Mahalaga ang mga ito para sa kinabukasan natin at ng pamilya. 

Yun nga lang, madalas ay sa palda tayo kumakapit. Ang palda ang tanging inaasahan. Nalilimutang kumapit sa may-ari ng palda. I mean duon sa tagapag-provide ng mga pangangailangan natin - ang Diyos. Ang Diyos na  higit na nakakaalam ng mga bagay-bagay na makabubuti para sa atin.


Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing. ~John 15:5

Pinoy, Kakaiba Talaga!

Ngayon lang uli ako nakapag-update sa blog na ito. Naging busy sa Bubblews. Nais ko rin kasing kumita sa pagsusulat o sa pagpopost ng graphic arts. Yun nga lang sa loob na mahigit isang buwan ay naging 'up and down' ang experience ko sa site na iyon. ‘UP’, dahil masaya at kumikita legitimately online. ‘DOWN’ dahil sa pagdagsa ng mga pinoy users sa site ay naging ‘pasaway’ ang marami kaya’t nabansagan tuloy na ‘spammers’ ang mga Pinoy. Mula sa chat group ay nababasa ko ang mga  ‘accusations’ mula sa iba na kung tutuusin ay tama din (inuulit ko, may point talaga sila) subalit hindi dapat na i-generalize. Marahil hindi lang talaga naka-specify nuong una ang mga 'do’s and don’ts' sa site kaya’t naging ‘excited’ ang mga Pinoy. Ginawa  nilang parang facebook iyon. Dumating din sa point na gusto na nilang ipa-ban ang lahat ng Philippine users. Pero dahil na rin siguro sa ‘kakaibang’ traffic na nilikha ng mga Pinoy ay hindi nila ito nagawa. (Di pa ako sigurado sa mga posibleng mangyari). Ang masasabi ko lang ay ‘amazing talaga ang mga pinoys!’. Kapag nagkasama-sama ay malakas ang pwersa. Kahit siguro sa internet ay kayang mag-People Power. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang ‘generalizations’ na ibinansag ng ibang international users. (again, hindi lahat sila dahil marami din namang dumedepensa) Anyway, I’ve decided to make lesser posts sa site na iyon  at magkaroon na muna ng time para sa iba pang mga bagay. Let me end with this quote plus a cartoon work.


“All generalizations are false, including this one.” ~Mark Twain 


pointing fingers pinoy



Ang Kape ng Buhay



cup cartoon pinoy
Bumisita ang isang grupo ng mga alumni sa kanilang Professor. Kwentuhan sila. Sa simula’y masaya subalit nang kalaunan na ay napag-usapan na ang mga stress sa buhay at trabaho.

Sandaling pumasok sa kusina ang Professor para kumuha ng kape. Sa pagbalik nya’y  bitbit ang malaking pot gayundin ang mga tasa na may iba’t-ibang hugis, laki at anyo – porcelain, plastic, glass, crystal, may mga simple at may mamahalin.

Bawat isa sa kanila ay pumili ng kani-kanilang tasa. Habang humihigop ng kape ay nagsalita ang Professor.

“Kung mapapansin nyo, halos mga mamahaling tasa ang inyong pinili. Ang mga simpleng tasa ay naiwan sa lagayan. Syempre, tama lamang na pumili tayo ng ‘the best’ para sa sarili. Pero alam nyo ba na minsan ang mga maling priority natin ang nagiging sanhi ng ating mga stress sa buhay. Kung tutuusin walang kinalaman ang lasa ng kape sa tasa. Kadalasan ay ikinukubli pa nito ang kanyang laman. Bagamat yung laman lamang ang hangad natin pero ginugusto pa rin natin ang magagarang  sisidlan. Minsan, ay ikina-iinggit pa ang nakukuha ng iba.”

Nagpatuloy pa ang Professor: “Ang kape ay ang ating buhay. Ang ating trabaho, posisyon at mga materyal na bagay ay ang tasa. Ito’y sisidlan lamang subalit madalas ay nakapokus tayo sa lagayan at nalilimutan natin na mas mahalaga ang laman.” 

Napag-isip-isip ko ang mga sinabi ng Professor. Dahil sa paghahangad natin ng magandang sisidlan, madalas ay masyadong nagiging abala tayo. Nakalilimot tuloy na mas mahalaga ang buhay kaysa sa mga materyal na bagay.

Pira-pirasong Aral

Ang buhay ay parang jigsaw puzzle. Binubuo isa-isa. Hindi sabay-sabay. Gayundin ang mga problema, nakaka-praning kung pagsasabay-sabayin. 

Huwag masyadong mag-alala sa iniisip ng iba. Hindi lang ikaw ang naiisip nila. Unfair naman kung lagi mo silang naaalala ngunit di ka naman mahalaga para sa kanila.

Matinding kalaban ang inggit. Isipin mo na lang na minsan ay nauuna ka, minsan nahuhuli. At sa bandang huli'y ikaw din ang makapagpapasaya sa sarili.

Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ang mahalaga'y umuusad ka na mas lamang ang saya! 

Ang mga kaibigan ay dumarating…at umaalis...at may nagbabalik. Pahalagahan ang mga nananatili. Sa iyong pagtanda, sila ang mga pabaong maghahatid ng magagandang ala-ala.

Maging Responsable sa Pagtatapon

Umaga pa lang kahapon ay napansin ko na ang mga kalat sa harap ng bahay. Mga basura mula sa mga nagdadaan at mga duming dala ng hangin. Busy ako sa umaga kaya’t hindi ko na nagawang makapaglinis pa. Sa muli kong paglabas makaraan ang ilang oras ay nakatawag pansin  muli ang mga basura. Nakakairita man, hindi ko na lang ito pinansin. Bandang hapon na nang ako'y makabalik at syempre nandun pa rin ang mga kalat! Kaya’t kumuha ako ng walis at pansamantalang naglinis. Sa totoo lang ay hindi naman talaga kusang mawawala ang mga ito. Kailangang may gumalaw, kailangang may kumilos. (May related post ako  ukol dito) 

Dahil sa paglilinis, naging maganda na sa paningin ko ang daanan sa harap. At dahil din sa physical activity na ginawa ko, ay medyo nagboost ang Serotonin level sa aking brain. Ito ay  sinasabing ‘happiness hormone’. Nagkaroon tuloy ako ngayon ng ideya kung ano ang isusulat. 

Ngapala, heto ang mensahe ko para sa lahat!
pagtatapon ng basura pinoy

Patalastas:
Naging busy ako sa isang website na sinasabing mabilis na mai-momonetize  ang mga posts mo kumpara sa  revenue na makukuha mula sa mga ads provider.  Kung sakali, ito’y isang magandang opportunity  para sa mga bloggers kaya sinubukan ko. Sa ngayon, medyo positibo ang developments pero hindi ko pa mai-se-share ang detalye hangga't wala pa akong pruweba  na may revenue nga. Baka next week ay makapagpopost ako tungkol dito.     

Mabuting Tinapay (at tubig)

'Mabuting tinapay' o 'good vibration bread' – Yan ang tawag ko ngayon sa Ostia. Yung manipis na tinapay na tinatanggap natin sa misa. Aminado ako minsan na hindi ako nakakapangumunyon pero sa ngayon pinipilit kong gawin ito regularly. Nuong isang linggo, habang nasa misa ako ay naalala ko ang Water Crystals Experiment ni Masaru Emoto, isang Japanese scientist.
water crystals tagalog

Makikita nyo ang kaibahan ng mga water crystals! Di hamak na mas maganda yung dalawang nauna.

with prayer

Yan naman ang epekto ng dasal sa mga crystals. Amazing!! Ang iba pang water crystal images ay ipinost ko dito.

Opinyon ko lang, kung ang polluted water na dinasalan ay nakapag-produce ng mga magagandang water crystals, ano pa kaya ang ostia na dinasalan din ng marami? Posibleng hindi ito kapani-paniwala sa ilan at paniniwala lang..  pero minsan ‘beliefs’ is more important ng ‘facts’.

Have a great new week! 

Ang orihinal na source ng mga images ay makikita dito.

Wish For You

Para sa panibagong weekend, 
heto ang wish ko para sa lahat!
wish for you, pinoy
May God give you...
For every storm a rainbow, 
for every tear a smile, 
for every care a promise 
and a blessing in each trial. 

For every problem life sends, 
a faithful friend to share, 
for every sigh a sweet song 
and an answer for each prayer. 
~Irish Blessings

Happy Weekend!

God bless!

Byahe ng Buhay

Ang buhay  ay parang isang byahe.

Sa simula'y dumadaan tayo sa patag na daan.
Madali at masaya at syempre yan ang gusto ng karamihan! 
pinoy sakay

Pero sadyang di maiiwasan ang rough roads. Yun mga daan na parang iniyuyugyog tayo  at minsan ay ikininauuntog natin  dahil sa mga problema. 
cartoon

Kung pwede lang sana na laging sa highway ang daan na may tamang liwanag. Napapansin natin ang lahat ng karatula at mga warning signs... 
toy car highway

kaysa dumaan sa madidilim na tunnel ng kawalan ng pag-asa.
byahe ng pinoy

Hindi talaga tayo nakasisiguro sa bawat daan ng buhay. Kaya nga't madalas ay kailangang  tumigil at magpakarga. Magpahinga. Mag-isip-isip. Manalangin.   
Anyway, anumang uri ng daan ang pinagdaraanan ng bawat isa, hangad ko ang kaligtasan, katatagan at sana'y marating natin ang destinasyong inaasam-asam natin.  Happy trip!

(Ngapala, minsan sa'ting mga trips ay may humps at potholes din tulad ng nabanggit ko dito) 

Anong Mood Mo Ngayon?

what is your mood today?
Parang tinanong din natin ang sarili kung tayo ba dapat ang pumili ng damit na isusuot o kaya'y gamit na gagamitin? O sadya lang mas madaling pumili ng isusuot at gamit kaysa sa emotions? Emotions o mood na madalas ay nakasalalay sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay? Sabagay,  hindi pa rin nararapat na  ibang tao o pangyayari ang magpasya nito para sa atin. Most of the time, we are responsible, we are responsible for our well-being.  And it is up to us to choose what's best for us.

There are good and bad times, but our mood changes more often than our fortune. ~ Jules Renard
The greater part of our happiness or our misery depends on our dispositions and not on our circumstances. ~Martha Washington
I don't wait for moods. You accomplish nothing if you do that. Your mind must know it has got to get down to work.  ~ Pearl S. Buck

Papalapit na Okasyon

ready for christmas tagalog cartoon

Papalapit na!  Kagabi’y  sinalubong ako ng isang 6-taong gulang  na pamangkin ko at excited na nagkwento na sa darating na Pasko ay pabibili siya ng maraming toys. (Nagpaparinig ba siya???). Kaninang umaga naman ay isang Christmas carol ang narinig ko sa radyo. Ahh, Andami nang nagpaparamdam! I mean, marami ng warnings! Hehe.. Kung pwede lang sabihin sa panahon na “Teka, hinay-hinay lang muna, wala pa akong savings!” Dahil sa totoo lang, malaki ang impluwensya ng komersyalismo sa okasyong ito. Bakit nga ba masyadong naging magastos ang celebration ng holiday season? Sabagay nasa tao din yan. Nasa desisyon  ng bawat isa kung gagawin nyang simple o magarbo ito. Ang Pasko ay paggunita sa kapanganakan ni Hesus. Ito ay  nasa ‘puso’ at wala sa ‘bulsa’.  At gaya ng lahat, ang panahon ay lumilipas gayundin ang saya, lungkot o anupamang bagay. Anyway, share ko din ang isang magandang mensaheng ito.

Invite Him in this Christmas,
This Savior from Above;
The gift He seeks you need not wrap –
He only wants your love. ~Berg 

Kapag Hindi..

kapag di ka hahakbang, nasa dating lugar ka pa rin

Kapag di mo sisimulan, walang matatapos.
Kapag di ka magtatanong, malamang hindi ang sagot. 
Kapag di ka iinom, hindi mapapawi ang uhaw!
Kapag di ka magtatanim, mayron kayang aanihin?
Kapag di ka kakain, gutom ka pa rin!
Kapag di  isusulat, walang makapagpapa-alala.
Kapag di hahasain, mananatiling mapurol at walang talim.
Kapag di ka hahakbang, nasa dating lugar ka pa rin.
Kapag di ka kikilos patungo sa iyong minimithing direksyon, wag asahang mararating iyon.
Mensahe ko yan para sa sarili. 
Dahil kapag di ipinapaalala, malapit kay Amnesia.

Sagot sa Prayers


Response to our prayers tagalog


Yes, No, Wait ~ Yan ang response sa prayers natin tulad ng nasabi ko sa naunang post.  Yan din ang naging sagot sa aking prayers noon.

Dalawang oras din ang byahe  ko papunta sa'king trabaho. Nakakapagod. Pero higit na ikinapapagod ko ay ang pagiging ‘iritable’ ng boss ko. Palaging mainit ang ulo at sinisigawan ang  mga staff sa kaunting pagkakamali. Nag-resign ako.  Nagpasyang maghanap ng trabaho sa lugar na malapit sa amin. Matagal akong nabakante at mas nakaka-depress pala ang maging tambay. Araw-araw ay ipinagdarasal ko na may makuhang trabaho. Isang araw, answered prayer ako.  For job interview sa isang company na malapit sa amin! Pasado ako sa naging interview at exam. Pinabalik ako ng Vice President para sa final interview. Excited ako! Pero isang tanong ang nagpabago ng mood  ko nung araw na yon. Tanong niya: “Willing ka bang mag-undergo ng training at mapa-assign sa Davao?”  ”Ha?, Anak ng Tipaklong! Nag-resign ako sa Manila para mapalapit sa amin at pagkatapos  ay ganyan ang maririnig ko?”  Ooops.. naisip ko lang iyon…Pero ang isinagot ko  ay  “Sir, pag-iisipan ko po.” Ang sabi nya’y tumawag ka agad  after 2 to 3 days.

Malungkot ako nang lumabas sa kanyang kwarto. Nag-iisip. Pagkatapos ay nakita ko ang dating kaklase nung High school na duon pala nagta-trabaho. Kumustahan. Ang sabi niya’y maganda naman ang pasweldo at benefits sa company. Kwentuhan pa ng kaunti at nagpaalam na din ako agad.

Pinag-pray ko na sana’y tama ang maging desisyon ko. Although malungkot ako dahil ayokong ma-destino sa malayo.  Dumating ang ikatlong araw at kailangan ko nang magdecide. Tinawagan ko ang Vice President at nag-aalinlangang nagsabi ng ganito: “Sir I regret to inform you na hindi ko na po tatanggapin ang work na yun.” Di ko alam kung ano ang naging reaksyon niya. Ang natandaan ko ay ang naging reaksyon ko. Isa na yata sa mga pinaka nakaka-depress na araw iyon para sa akin. Naglalakad pauwi na parang binagsakan ng langit at lupa!  Tinatanong ang Diyos kung bakit binigyan ng pag-asa na kanya namang babawiin.

Nabalitaan ko na lamang na umalis patungong Davao ang isang grupo para sa training. Kasama pala duon si classmate. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Makalipas ang ilang araw, ay nabalitaan kong nakabalik na ang grupo. Iniuwi sila bilang malalamig na bangkay!!!. Nagulat ako, di makapaniwala! Di ko na matandaan ang eksaktong pangyayari pero may aksidenteng naganap. Iisa ang nakaligtas. Nagpunta  ako sa lamay ng classmate ko. Nalungkot ako para sa kanya. Pero  dapat ba akong matuwa para sa sarili? Kung tinanggap ko kaya ang trabaho? Kung kasama kaya nila ako? Naglalaro ang maraming tanong sa isip ko nang batiin ako ng isang babae na naglalamay din. Isa sa mga boss sa company. Mukhang pamilyar daw ako ang sabi niya. Nasabi ko na lang na naging aplikante ako sa kompanya nila.

Kinalimutan ko na ang kumpanyang iyon.  ‘NO’ ang sagot ng Diyos sa aking  prayers that time pero nalaman ko rin kung bakit ‘HINDI’. At ipinagpasalamat ko iyon.   Lumipas ang isang taon na yata, nakapagtrabaho ako bilang  Management Trainee sa isang fastfood chain na medyo may kalayuan din. Isang araw, nakatanggap uli ako ng tawag mula sa kumpanyang iyon.  Bago na pala ang Hiring Manager at nakita daw niya  na nasa ACTIVE file pa rin (??) ang application ko sa kanila. May bakanteng posisyon dun sa may lugar namin. Tinanong nya ako kung intresado ako. Sandali ako nag-isip at sinabi kong…. ‘YES!’

Natanggap ako sa company. Nakapagtrabaho ng mahigit dalawang taon.  Ang akala kong ‘NO’ sa aking prayer ay   naging  ‘WAIT’,  at nang kinalaunan ay naging ‘YES!’      

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...